Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 |Kabataan: "Noon At Ngayon" | 09-13-21 | 10% goes to @steemitphcurator

in #steemitphilippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa mga manunulat dito sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. Hangad ko na ang lahat sa atin, sampo ng mga kasamahan natin sa pamilya ay nasa maayos na kalagayan.

IMG_20210915_171235.jpg

Nasa terasa ako ng mapansin ko ang anak ko na may mga kalarong bata na nagbibisikleta. Sila yung mga kaibigan ng anak ko. Araw-araw silang naglalaro sa labas. Ang mga batang ito ay dito rin nakatira sa lugar namin. Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Ang pagbibisikleta ay isa rin sa mga libangan noong ako ay bata pa kaya nilapitan ko sila at kinuhaan ko ng litrato. Mas mabuti itong libangan kaysa gadyet. Sa paraang eto makakabuti ito sa katawan ng tao dahil maganda itong ehersisyo. Karamihan dito sa lugar namin sa subdivision ang libangan ng mga bata ay ang pagbibisiklita. Ang pangalan ng mga kalaro ng anak ko ay sila Jilian, Hajj at si Martin sila yung palaging nakikita ko na kasama ng anak ko nagbisikleta.

-Noon-
Noon ang madalas na ginagawa ng mga kabataan ay maglaro at makipagkwentuhan sa mga kaibigan. Ito rin ang masasayang alaala ko noong ako ay bata pa. Ang kaladalasang nilalaro ng mga bata noon ay piko, trumpo, chinese garter at marami pa. Masaya ang mga bata noon kahit napakasimpleng laruan lamang. Marunong makontento at napaksimple ang pamumuhay ng mga bata. Dito nabubuo ang masayang pagkakaibigan. Kay sarap balikan ang nakaraan habang nakaupo ka sa may bintana naririnig mo ang huni ng mga ibon at nalalanghap mo ang sariwang hangin. Ang mga awitin noon na maririnig mo lang sa radyo ay sadyang kaysarap pakinggan. Naalala kopa noon di pwedi kami kumain ng hindi kami kompleto sa hapag kainan. Masaya talaga ang pamilya pagsama sama. Eto ay isa sa magandang kaugalian ng mga pilipino.

-Ngayon-
Ang mga kabataan naman ngayon ay ibang –iba na sa kabataan noon dahil siguro sa panahon. Diko naman nilalahat dahil mayroon pa naman mga pamilya na pinahahalagaan ang kaugaliang pilipino. Ito ay nakasalalay din sa bawat pamilya. Makikita natin sa ating kapaligiran ang malaking pagbabago, lalo na sa mga kabataan ngayon na halos lahat ay marunong ng sa makabagong teknolohiya. May mga pamilya ngayon na nawawala na ang tunay na komunikasyon sa mga anak dahil abala sa trabaho at gadyet. Napapabayaan na ang mga anak kaya ang mga bata ay sa social media na ibinubuhos ang panahon at dito rin nila nilalabas ang kanilang mga saloobin. Ito rin ay nagdudulot ng depresyon sa mga bata at marami din tayong nababalitaan na ngpapakamatay dahil dito.

-Pagbubuod-
Malayo na narating ang ating panahon sa ibat ibang aspeto. Isa dito ay ang teknolohiya, kaugalian, pananampalayaya at marami pa. Tunay ngang marami na nagbago sa pilipinas mapapansin natin sa ating mga kapaligiran. Ang pagbabagong eto ay may maganda at hindi maganda naidulot sa atin mga buhay lalo na atin mga kabataan. Noon ang mga bata ay pag may takdang aralin sa library pumupunta ngayon isang pindot nalang sa gadyet halos lahat mababasa na ang mga impormasyon na gusto mung mabasa. Halos ang mga tao ngayon at mga bata ay wala nang pribadong buhay dahil sa social media. Lahat ng pinupuntahan, kilos at galaw ay ibinabahagi nila dahil narin sa teknolohiya. kaya bilang magulang gabayan natin sila sa tamang landas at pamumuhay, at bigyan natin sila ng sapat na panahon sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon sa ganun di sila mapariwara. Syempre ang pinaka-mahalagang bagay ang taimtim na panalangin para sa pamilya.

Hanggang sa muli kaibigan, sana nasiyahan kayo sa ibinihagi ko sa inyo. Salamat sa #steemitphilippines community at sa mga sponsors sa contest na eto. Patuloy lang tayo magsulat at maging positibo sa buhay natin. pagpalain kayo ng ating mahal na Panginoon.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!😀

@caydenshan

ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  

nakakatuwa mga bata. mas gusto ko yung panahon noon. napakamalikhain ng mga bata pagdating sa mga laro.

thank you for sharing.

welcome..salamat kaibigan.

@caydenshan
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 92% 27.6

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 88% 26.4

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 94% 37.6

Total Score: 9.16

Good luck ,salamatbsa iyong kwento.

Maraming salamat sau.. mother.

Welcome ng marami

mga anak ko rin mahilig magbisekleta. sinasamahan ko sila tuwing hapon.

yes maganda itong ehersisyo.. salamat sa pagbisita @arjayyuson

CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.8.5
Story.8.5
Total.8.5

Maraming salamat sa iyong pagsali sa contest na ito.

Salamat at ako'y nasiyahan sa iyong artikulo. God bless

salamat kaibigan.

Ganyan din mga anak ko. Tig-isa sila ng BMX bikes non at nkktuwa silang tingnan papuntang school na naka uniporme.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.026
BTC 57960.12
ETH 2482.73
SOL 155.31
SBD 2.43