**Sweet Love O' Mine** A Story To Tell

in #steemitfamilyph6 years ago

193529_204794599540278_7518979_o.jpg

It was the year when Late Michael Jackson died in 2009 at dahil kinalakihan ko ang King of Pop at sobrang fan ako kaya naisip kong ipangalan next to my daughter as Katie Michaela. And Sad but true 1 year ang nakalipas in 2010 nahiwalay siya sakin ng Mommy niya at mula noon parang gumuho ang mundo ko, at ng pamilya ko sa nangyari. Si Michaela ang pang apat or should i say bunso kong anak na matagal ko ng ni pray sa panginoon na pagkalooban kami ng babaeng anak lalo na sa Aming dalawang Patron na "Santo Entierro" at "Hesus Nazareno" na aming pinu prusisyon tuwing biyernes Santo sa Bulacan Bulacan.

10308611_799597433393322_1224954044316207187_n.jpg

Ilang taon din ang mga nagdaan at nakalipas na di ko nakita at nakausap ang aking anak at sa mga taong iyon wala akong hiniling sa diyos kundi ang makapiling siyang muli. At ng magkaroon naman ako ng balita sa kanya sa kasamaang palad nabalitaan kong she was suffering from Skin Asthma na labis kong ikinalungkot na wala ako sa mga oras na kailangan niya ako as Father Figure kaya ganun na lamang ang aking pagsisi, pero di pa rin ako nawalan ng pag asa na makapiling siyang muli. At sa mga panahon na iyon i divert my attention to work hard for them and maybe someday in God's Mercy magkakasama din kami sa tamang panahon when time heals.

10389488_897859440233787_2698127732765200776_n.jpg

At sa tulong ng may kapal ito na siya at muli kong naka piling, nayakap at nahagkang muli kahit sa isang maigsing sandali naibsan ang aking pangungulila sa aking anak at malaking kasiyahan na din sa aking magulang na makasama din siyang muli. At lumipas ang mga panahon hanggang sa lisanin din kami ng aking ama sa di inaasahang pagyayari sa ating buhay na need nya niyang makapiling ang may kapal at doon ko na lamang siya muli nakasama at akoy lubos na naluha sa walang kamalayan niya ay hinahanap hanap niya ang Lolo niya at may mga tanong na babalik pa ba si Papa niya na lubos siyang minahal sa napaka ikling panahon ng kanila ding pagsasama ay naiparamdam sa kanya ang pagiging isang Lolo.

IMG_4515.JPG

IMG_4516.JPG

IMG_4518.JPG

Makalipas ang ilang taong pagkakawalay ko kay Katie Michaela at sa iba pa niyang mga kapatid akoy nagtrabaho abroad para sa kanilang Future ako ay na Surprise ng padalhan niya ako ng kanyang Selfie na malaki na pala at parang dalaga na siya at In God's Mercy ni pray ko pa din na kami ay magkasama sa pag Prusisyon ng aming mga Santo na "Santo Entierro" at "Jesus Nazareno sa Holy Week.

At dito nga nabuo ang kuwento na ito para ma share sa inyo mga Kapuso sa Industriya ng Steemit, Steemitfamilyph atbp. At ako po ay lubos na nagpapasalamat sa bumuo ng group na ito pra sa ating mga kapwa Pilipino around the Globe na alam kong hindi lamang ako ang nakakaranas na ganitong sitwasyon sa buhay at relasyon sa mga anak na malayo sa aming piling.

Maraming Maraming Salamat Po sa inyong Pakikinig maari lamang pong mag iwan ng comments,upvotes at follow me @ranniesan

P.S
God Bless Us All

Mabuhay,
@ranniesan

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 64503.74
ETH 3188.64
USDT 1.00
SBD 2.56