To My Beautiful Princess

in #steemitfamilyph6 years ago (edited)

source.gif

Dear mahal kong prinsesa.

Unang una na gusto ko sabihin ay salamat sa pagtanggap mo sa akin. Hindi mo po tinignan ang itsura ko pero binigyan mo po ako ng pagkakataon para maipakita sayo na talagang mahal na mahal po kita. Lagi po kitang naiisip mula pag gising ko ng umaga, hanggang magtanghali at kahit gabi na ay ikaw pa rin ang laging bukambibig ng puso ko. Lagi rin po kitang namimis kahit magkasama lang tayo kanina. Gusto ko laging pagmasdan ang maamo mong mukha, gusto ko po makita ang napakatamis mong ngiti at gusto kong lagi kang kasama dahil yun po ang nagpapasaya sa akin. Makita lang po kitang masaya ay abot langit na ang saya ko. Kahit tayo na, minsan tinititigan po kita pag di ka po nakatingin tapos pag tumitig ka ay kunwari di ako nakatingin sayo. Sobrang inlove na inlove po ako sayo mahal kong prinsesa. Napakalambing mo po at lagi mo po ako inaalala lalo na pag sumasakit ang ulo ko. Ayaw ko po na nagwowori ka sa akin kaya hanggat maaari ay iniiwasan ko mag isip ng sobra. Pero yung puso ko ang kusang nagsasabi sa isip ko na mahal na mahal kita. Lagi po kitang pinagpapanata sa Ama, na ikaw ang ipagkaloob nya sakin at ibinigay ka nga sakin ng Ama. Lagi po kitang aalagaan at mamahalin. Dahil ikaw po ang prinsesa ng buhay ko.

Sa nalalapit nating pagpapakasal, lagi kong hinihiling sa Ama na patnubayan nya tayong dalawa. Sa tuwing nakikita kita ay pakiramdam ko ay ako na ang pinakaswerting lalaki sa buong mundo dahil napakabait mo po, napakaganda, napakacute at super lambing. Basta lagi mo pong tatandaan, marami man ang dumating na pagsubok sa atin, marami man ang humadlang, ikaw pa rin ang magiging prinsesa ng buhay ko. Dahil alam ko po na mahal na mahal mo rin ako. Asahan mo na lagi mo po akong karamay sa lahat ng pagdadaanan mo, maging problema man, kalungkutan, kasiyahan. O kahit sa mga games na sinasalihan mo, lagi ako magchecheer po sa iyo. Lagi po kitang susuportahan sa mga mithiin mo sa buhay. Dahil ikaw po ang nag iisang prinsesa na minahal ko ng totoo. Ang prinsesang pakakasalan ko. Ang prinsesang kasama ko sa pagtanda at ang prinsesang mamahalin ko habangbuhay. I LOVE YOU PO PRINSESA NG BUHAY KO.

Ang prinsipe ng buhay mo,

Alfren

P_20180129_174108_BF.jpg

20171113_213701.jpg

Picture3.png

Please follow and up-vote me on steemit @alfren.
You can follow me on twitter @SibulAlfren and
on facebook https://www.facebook.com/eyelefareen/

Sort:  

Aww, nakakakilig naman. Godbless on your relationship po.

=) =) =) thank you @gheghenrv

Ang nasabing isang kaibig-ibig damdamin. Kinailangan kong gumamit ng google translate kaya umaasa akong tumpak ito. Pagpalain ka ng Diyos sa iyong bagong buhay. Binabati kita sa iyong pakikipag-ugnayan. Good luck sa paligsahan. I hope that translation worked. If not please forgive me.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 67831.26
ETH 3460.55
USDT 1.00
SBD 2.72