Children Story: Ang Kwento ng Daga ( The Story of a Mouse + Questions for the Children)

in #steemiteducation7 years ago (edited)

Ang Kwento ng Daga

images (1).jpeg
Image Source


Sa isang malayong kahiraan ng mga hayop, nakatira ang mga naggagandahang mga likha ni bathala. Namumuhay ang mga likhang ito ng matiwasay, masaya at may takot sa kanilang manlilikha. Makikita dito ang ganda at namumukadkad na kulay ni Peacock, ang dalang bangis pero may respeto ni Haring Leon, samu’t saring kulay ni Parrot at iba pang ibon sa himpapawid ‘tsaka ang dalang kinang ni gold fish na nagmumula sa katubigan.

Dito din makikita di umano ang isa sa pinakamagandang hayop sa balat ng lupa siya ay si “Daga”. Si Daga ay may kulay asul na balat at may mapula-pulang pisngi, ang kanyang buntot ay may kulay berdeng kumpol na mga buhok sa bandang dulo.

Kahit na si Daga ang isa sa pinakamaganda sa lahat wala pa rin syang kaibigan sapagkat siya ay naiinggit. Pinupunit pa niya ang mga bagay na hinawahawakan ng kanyang kapwa mga hayop, ‘di pa siya nakukuntento sa kanyang mga ginagawa dahil tinatago pa niya ang anumang bagay na mayroon ang kanyang mga kapwa hayop na kanyang kinaiinggitan. Kahit ang iba ay pilit siyang tinatanggap pero ginagawa pa rin niya ito kaya siguro’y wala na talagang makakatiis sa kanya.

Dumatin ang isang araw na bumaba ang bathala mula sa kalangitan. Sabi niya,

images (3).jpeg
Image Source

“ Pumunta kayong lahat dito at makinig sa’kin. Ang ating mundo ay unti-unti ng nasisira at nawawalan ng kagandahan sapagkat may mga hayop na sumisira sa ating kapaligiran. Bilang tulong sa inyong lahat at dahil mahal ko kayo, ilalagay ko ang Puno ng Kagandahan sa pusod ng kaharian. Bantayan ninyo ito sapagkat ito ang pagmumulan ng walang katapusang kagandahan sa mundong ito”

Bumalik ang bathala sa kalangitan at gayundin ang mga hayop, bumalik na din sila sa kanilang mga bahay-puno. Ngayon, mas lalong naiingit si Daga sa Puno ng kagandahan. Gusto niyang sirain ito para siya na talaga ang pinakamagandang hayop sa balat ng lupa.

Pasado alas Onse na ng gabi, umuula’t himbing na himbing ang lahat sa pagkakatulog. Medyo nawawala na ang ambon at nawala na ng tuluyang ang mga tubig na nanggaling sa mga ulap. Basang-basa ang paligid at may mga putik pa sa gilid-gilid.

Nagpasya ngayon si Daga na sirain ang puno at kainin ito.

Hinay-hinay siyang naglakad patungo sa puno. Pagdating niya sa puno ay nilabas niya ang mapuputi at matatalim na mga pangil. Kinagat nang kinagat niya ang puno at kinain ang puso’t mga bunga nito. Biglang nagkaroon siya ng mga gold dust, nagningning ito na pumapalibot sa kanyang katawan. Sa puntong ito napag desisyonan niyang bumalik na pero nakaapak siya ng putik ngunit binalewala lang nya ito ‘tsaka naglakad-lakad na patungo sa kanyang baha-puno.

Kinaumagahan, nagsipaggising na ang lahat at biglang nabulabog ang dating matiwasay na kaharian. Umongol ang mga lobo, nagsipagtakbuhan ang mga hayop at sumigaw si Haring Leon. Sapagkat nawala ang buhok ni haring Leon, naging kulay lupa si Peacock, naging kakulay ni Ahas ang punong kahoy na kanyang sinasabitan at nawala na talaga ang lahat na kagandahan sa kaharian.

Pumunta ang lahat sa Puno ng Kagandahn ay laking gulat nilang sira na pala ito. Umiyak na ang lahat at nawalan na’ng pag-asa. Ngunit napansin ni Tipaklong na may mga gold dust at sinundan nila ito, nagpalakad-lakad sila hanggang makarating sa Bahay-Puno ni Daga. Sa puntong ito tinawag ni haring Leon ang bathala ay bumaba ut mula sa kalangitan.

Nag-usap ang Bathala at ang Leon. Nagalit ang bathala ay tinawag ang daga. Ika ng Bathala “ Binigyan kita ng kagandahan pero ikaw pa rin ay sakim at maiinggitin, sa di malamang dahilan ay sinuway mo pa ang aking sugo’t bilin. Kaya ikaw ay aking paparusahan!”

Nagdilim ang paligid at isang malakas na kidlat ang tumama kay Daga. Pagkatapos nito’y naging isa na siyang munting hayop na may malaking tenga, malaking ngipin at maitim na balat. Umiyak nang umiyak si daga at tumakbo siya nang tumakbo hanggang makarating siya sa tambakan ng basura.

Nag-iisa ngayon si Daga sa mabahu’t masangsang na lugar. Umiiyak at humihingi ng kapatawaran sa lahat na kanyang nagawa. Di nya alam na may hayop na nakarinig sa kanyang mga hinaing at nilapitan siya nito. Sabi ng hayop, Oy anong pangalan mo?
Ika ng Daga, Ha? Di ka nandidiri sa akin?
Hindi, bakit naman?
Kasi silang lahat tinataboy ako..

Ay narinig ko naman ang mga sinabi’t hinaing mo eh! Pwede mo akong maging kaibigan oy! Nagsisisi ka naman diba? Teka ano nga palang pangalan mo?

Oo, pinagsisihan ko nang silang lahat.. Ako nga pala si Daga.

Ako naman si Ipis halika pumunta tayo sa banda yun! Tinuro niya ang bundok ng mga basura at pagkatapos ay nagliwaliw silang dalawa .

At dito natagpuan ni Daga ang bestfriend nyang si Ipis at namuhay silang naglalaro at masayang-masaya.
Kaya kung gusto mong magkaroon ng maraming kaibigan, maging mapagkumbabang loob sa sarili’t lahat ng tao lalong-lalo na iwasang mainggit sa sa kapwa mo.

Mga Tanong:

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
Ano ang dahilan bakit lumayas ang daga?
Sino ang naging kaibigan ng Daga sa huli?


Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.21
JST 0.035
BTC 96557.13
ETH 3328.16
USDT 1.00
SBD 3.18