Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Unang Labas Ng Panibagong Simula - Pasasalamat Sa Mga Nakilakbay

in #steemitdora6 years ago (edited)

image


Magandang buhay po sa lahat!

Pasensya po sa lahat ng mga #steemitdora. Masyado po ako natagalan ngayon. Mahaba kasi ang naging paglalakbay ko. 😀 Ngayon pa lang po ako nagkaroon ng pagkakataon makadalaw dito. 😀

Mabuhay ang lahat ng mga manlalakbay! Mabuhay ang mga #steemitdora! Mabuhay!

Sa mga nakibahagi at nakakompleto sa Panibagong Simula Ng Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon ang Unang labas sa loob ng isang linggo ay sina:

@ellechim0816
@flordecar26
@wittyjov24
@yennarido

Sila po ata ang nakakompleto ng buong linggong paglalakbay. Hindi ako masyadong sigurado. 😀 Hindi ko na po masiyasat sa dinami dami ng aking bibisitahin. Sila po ay meron konting gantimpala na natanggap 0.100 SBD.

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakisabay at sa makikisabay pa sa paglalakbay sa panibagong simula.


Para po sa mga gustong sumabay sa panibagong simula ng ating paglalakbay ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.

Tayo na at magsimulang maglakbay!

Sa loob ng isang linggo meron tayo iba't ibang litrato na ipapakita. Ito ay ating bibigyan buhay. Dapat sarili natin litrato hindi galing sa internet. Narito ang mga pagkakasunud-sunod kung anong litrato ang ating ibabahagi sa bawat araw ng ating paglalakbay.

Lunes - Sarili. Ang sarili ang pangunahing manlalakbay kaya laging kasama ang sarili sa lahat ng paglalakbay. Kung wala ang sarili, paano na lang ang paglalakbay? Lols. Ipakita ang angkin ganda. Sabihin ang nilalaman ng puso, masaya man o malungkot.

Martes - Orasan. Ang kahalagahan ng oras sa ating mga buhay .

Miyerules - Kalendaryo. Ang mahahalagang petsa, araw, buwan at taon sa ating buhay.

Huweves - Sasakyan. Kahit anong uri ng sasakyan na nagdadala sa atin paroroonan.

Biyernes - Gusali. Ilahad ang maganda o hindi magandang naidudulot sa ating buhay ng kahit anong uri ng gusali.

Sabado - Ilaw. Ipakita ang ibat't ibang pinanggagalingan ng ilaw at ilahad ang kahalagahan nito.

Linggo - Selfie kasama ang isang tao na mahalaga sa iyong buhay.. Ilahad ang relasyon mo sa kanya at kung gaano siya kahalaga sa iyo.


Mga Paalala:

  1. Huwag po natin kalimutan na isama sa atin pamagat ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon. Saka isama rin sa pamagat kung anong araw ang paglalakbay.
  2. Ang unang tag na atin gagamitin ay #steemitdora upang tayo'y hindi magkalituhan at hindi magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay.
  3. Sa loob ng isang linggo dapat isama ang link sa bawat paglalakbay para madaling makita kung kompleto ang isang buong linggong paglalakbay.
  4. Isama ang link ng post na eto sa bawat araw ng paglalakbay.

Meron gantimpalang makukuha ang makakakompleto sa buong linggong paglalakbay. Konting gantimpala lang naman 😀 na galing kay @steemitdora dahil siya ay nagsisimula pa lang maging parte ng pang araw-araw nating pamumuhay o paglalakbay. Malay natin sa pagdating ng araw maging lingguhan at lumaki ang pagbibigay ng gantimpala ni @steemitdora. 😀

Everyone can check it here on how @steemitdora started.

@steemitdora been created to help and support each members in Steemitserye and Steemitdora Full Force.

image

Anyone can be #steemitdora. You can join our growing Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord Channel.

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! 😀💖

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

So what are you waiting for! See you on board.

Love lots,

@steemitdora 😀💖

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 61195.86
ETH 3009.46
USDT 1.00
SBD 3.80