Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto

in #steemitdora6 years ago (edited)

image


Magandang buhay po sa lahat!

Napakasarap po magbasa ng mga paglalakbay ng mga #steemitdora. 😀

Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga manlalakbay nakibahagi sa aking munting paandar.

Mabuhay ang lahat ng mga manlalakbay! Mabuhay ang mga #steemitdora! Mabuhay!

Sa layo na ng ating nalakbay alam ko na marami sa atin mga #steemitdora ang nagtatanong kung saan pa tayo tutungo. Kaya naisipan ko na iba-ibahin ang tema tuwing matapos ang ikaapat na labas ng buong linggong paglalakbay. Bale kada buwan iba't ibang litrato ang ibabahagi ng mga #steemitdora.

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakisabay at sa makikisabay pa sa paglalakbay.


Para po sa mga gustong sumabay sa bagong yugto ng ating paglalakbay ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.

Tayo na at magsimulang maglakbay!

Sa loob ng isang linggo meron tayo iba't ibang litrato na ipapakita. Ito ay ating bibigyan buhay. Dapat sarili natin litrato hindi galing sa internet. Narito ang mga pagkakasunud-sunod kung anong litrato ang ating ibabahagi sa bawat araw ng ating paglalakbay.

Linggo - Sarili. Ang sarili ang pinakamahalaga sa bawat paglalakbay. Kung wala ang sarili, paano na lang ang paglalakbay? Lols. Ipakita ang angkin ganda. Sabihin ang nilalaman ng puso, masaya man o malungkot.

Lunes - Daan. Dahil tayo ay mga #steemitdora. Ipakita natin ang daan ating tinatahak. Kahit anong klase ng daan: matuwid, matarik, lubak-lubak, paikot-ikot o kahit ano man. Ang importante kaya natin lampasan ang kahit na anong klase ng daan atin mapagdadaanan.

Martes - Pagkain. Sa bawat paglalakbay hindi mawawala ang pagkain. Kaya ihandog niyo sa ating paglalakbay ang mga masasarap niyong pagkain.

Miyerkules- Gubat. Ipakita kung gaano kaganda ang atin kagubatan. Ito'y atin alagaan at huwag hayaan na masira ng tuluyan.

Huwebes - Bundok. Nakarating na ba kayo sa tuktok ng bundok? Masaya ka ba na ito ay iyong narating? Pwede niyo ibahagi ang inyong paglalakbay sa bundok at ihalintulad sa atin buhay. Tayo'y magmuni-muni sa tuktok ng bundok.

Biyernes - Tubig. Kahit saan, kahit sa dagat, ilog, pool, lawa, kalye o sa bahay. Ipakita natin ang ganda o di kaaya-aya na dulot nito sa atin mga buhay.

Sabado- Himpapawid. Ibahagi ang mga karanasan natin sa paglalakbay sa himpapawid o di kaya ay mga pangarap na gusto natin abutin o di kaya ay naabot na.


Mga Paalala:

  1. Huwag po natin kalimutan na isama sa atin pamagat ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon. Saka isama natin sa pamagat kung anong araw ng paglalakbay.
  2. Ang unang tag na atin gagamitin ay #steemitdora upang tayo'y hindi magkalituhan at hindi magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay.
  3. Sa loob ng isang linggo dapat isama ang link sa bawat paglalakbay para madaling makita kung kompleto ang isang buong linggong paglalakbay.
  4. Isama ang link ng post na eto sa bawat araw ng paglalakbay.

Meron gantimpalang makukuha ang makakakompleto sa buong linggong paglalakbay. Konting gantimpala lang naman 😀 na galing kay @steemitdora dahil siya ay nagsisimula pa lang maging parte ng pang araw-araw nating pamumuhay o paglalakbay. Malay natin sa pagdating ng araw maging lingguhan ang pagbibigay ng gantimpala ni @steemitdora. 😀

Everyone can check it here on how @steemitdora started.

@steemitdora been created to help and support each members in Steemitserye and Steemitdora Full Force.

image

Anyone can be #steemitdora. You can join our growing Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord Channel.

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! 😀💖

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

So what are you waiting for! See you on board.

Love lots,

@steemitdora 😀💖

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63521.22
ETH 3319.09
USDT 1.00
SBD 3.91