Ang Paglalakbay sa Dako pa Roon ni @shikika: Mahal Kong Maynila

in #steemitdora6 years ago (edited)

Pupungas pungas pa man ang iyong mga mata dahil naantala ang nahihimbing mo pang isip at kaluluwa ng naghuhumiyaw mong alarm clock, kailangan mo nang bumangon at magmadali! Kung hindi ay maiiwanan ka. Hindi mo pa man nananamnam ang sinangag at hotdog na buong pusong ihinain sa iyo ng iyong nanay ay kailangan mo nang magkumahog na magbihis at maghanda sa pagpasok sa eskwelahan dahil aabutan ka ng rush hour. Dahil puyat ka kagabi sa panonood mo ng seryeng koreanong sinusubaybayan mo gabi gabi, masakit ang ulo mo at lalo pa itong sasakit dahil makikipagsiksikan ka sa lahat ng dadaanan mo mapa jeep man o bus o tren. Uso nga ang kasabihang umalis ka ng bahay mong normal kang nilalang, darating ka sa patutunguhan mo na isa nang mandirigma.
Ganyan ang bawat umaga sa Mahal kong Maynila. At kung inaakala mong tapos na ang mga paghihirap mo kapag nakarating ka na sa opisina or sa eskwelahan, nagkakamali ka. Dahil mamayang oras na ng uwian, ganyang ganyan din ang iyong pagdaraanan.
Kaya hindi nakapagtataka na kapag taga Maynila ka, ay gustong gusto mong mamasyal sa mga liblib na lugar. Sa mga nayon, sa bundok, sa kapatagan, sa karagatan. Lahat ay naglalayon na makawala mula sa magulo at masalimuot na kalagayan sa siyudad.
Pero hindi maikakaila na may mga natatagong ganda sa aking tinubuang lupa. Mga lugar na makapagpapawi ng hapo at dusang naranasan mo mula sa mapagparusang tulin na dulot ng progreso.
Mga kaibigan, nais kong isiwalat sa inyo ang kagandahan ng Luneta Park. IMG_20180429_124253.jpg

Masasabi kong maswerte ako kasi nakuhanan ko pa ng litrato ang bantayog ni Rizal bago pa man matayuan ng gusali sa bandang likuran nito. May alaala pa ako ng luma nitong hitsura bago pa ito nagapi ng walang humpay na paghabol ng tao sa sinasabi nilang progreso.

Kung taga Maynila ka, ang maiisip mo agad ay ang pagiging pugad niyo ng probinsiyano at probinsiyana. Na ang mga naeengganyong dumalaw sa pasyalan na ito ay mga galing lamang sa probinsiya. Paano ba namang hindi? Ito ay isa sa mga lugar sa Maynila na makikita mong maraming puno at halaman. Mga bagay na siyang nagpapaalala sa kanila ng iniwanan nilang buhay sa lalawigan. Mga bagay na hindi mo madalas makikita kung nasa itaas ka ng isang gusali o nakakulong sa apat na sulok ng iyong opisina.

FB_IMG_1524991209659.jpg

Matagal ko nang kuha itong larawang ito. At naaalala ko pa noong maliliit pa ang mga punong ito, nakipaglaro ako ng habulan at mataya taya sa mga kaklase ko sa mismong lugar na ito sa Luneta.

Masarap sa pakiramdam yung nagpapahinga ka sa lilim ng puno habang naririnig mo ang pagaspas ng hangin na tumatama sa malagong dahon ng mga punong animo'y nakikipagpaligsahan sa isa't isa sa pagsayaw sa saliw ng musikang hatid ng manakanakang tawanan at kwentuhan ng mga mamamasyal.

IMG_20180429_124347.jpg

Kapag sinabi mong Luneta, bukod sa bantayog ni Rizal ay maiisip mo rin ang malaking mapa na makikita ng kahit sinong darayo sa bungad pa lamang ng malaking parke.

Noong bata ako, isa sa mga nais kong magawa sa buhay ko ay ang mapuntahan ang mga isla na nandoon sa mapa. Literal. Gusto kong tumawid sa rehas nito at maglakad na parang higante at iisa isahin kong sakupin ang bawat isla ng Pilipinas sa mapang iyon.

Ngayong malaki na ako, gusto ko pa rin namang magawa sana iyon. Kung mabibigyan lamang naman ng pagkakataon. Pero unti unti kong ginagawa ang totoong paglibot sa mga isla ng Pilipinas. Bohol, Leyte, Cebu, at isasali ko na rin ang mga maliliit na isla na pinuntahan namin noong nagpunta kami sa Borawan (na ang mga pangalan ay hindi ko mahagilap sa aking alaala).

IMG_20180429_124204.jpg

Isa pa sa mga maaalala sa Luneta ay ang bantayog ni Lapu Lapu na siyang nasa sentro ng noon ay sikat na sikat na skating rink. Ngayon, ito ay isa na lamang paikot na lugar na pwede mong tambayan kapag gusto mo lang magmasid sa mga taong nagdaraan.

Marami pang pwedeng puntahan sa Luneta katulad ng Orchidarium, Halamanang Pilipino, Japanese Garden, Chinese Garden at ang palaruang pambata na siya namang lagi naming pinupuntahan noong mga panahong libang na libang pa ako sa padulasan at duyan.

Matagal tagal na rin akong hindi nakakadayo sa parkeng ito mula nang lisanin ko ang Maynila at magpasyang manirahan sa Taguig (marami rami rin akong kwento tungkol sa Taguig pero hindi pa ako gaano katagalan dito at kinikilala ko pa lang ang bayan ng aking kabiyak).

Maraming salamat @twotripleow sa paghikayat sa akin na magsulat nito. Hindi ko akalaing makakapaglakbay hindi lang ang aking imahinasyon kundi pati ang aking alaala.


Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

Ang dami ng nglakbay patungo sa dako pa roon...maraming salamat...at sabay-sabay tayung magsaya....mabuhay ang lahat..😀👍

Tama! Mas marami, mas masaya! Mas maraming matututunan. :-)

Indeed😁👍

Haha walang ano man sana ma featured ka sa @steemph.manila kaibigan. Natutuwa ako sa paglalakbay mo kasi nahikayat kita kasi ganyan din yung friend ko nahikayat ako maglakbay kasi hindi rin ako puwedeng maglakbay dahil baka madaming mamatay na hayop at tanim hehe. Mas marami ka na palang napuntahan sakin ako talaga di ako nakaka lagpas ng Alabang haha. May Cebu at iba pa o diba bonga kinabog mo na ako.

Sana nga! Haha. Di bale, ikkwento ko nang detalyadong detalyado sa abot ng makakaya ko para halos parang ikaw na mismo ang naglakbay. Pero turuan mo na lang kasi yung mga alaga mo na kumain mag isa para makapaglakwatsa ka naman. Hahaha

Tag-init kasi kaya dapat lagi may bantay. Ang ingay nga daw ng mga aso kapag gutom haha. Gawa pa tayo isa yung talagang detalyadong detalyado, pilit na pilit lang yung sakin naka oo na kasi ako nagagawa ako. Next time super handa na ako hehe. Pati kung paano inagaw sakin gf ko bwahahahaha!

Hahaha. Yan! Yung tipong pati kami maiiyak sa pighati mo tapos magagalit din kami sa taong nangagaw.. ahahahah

Nakaka relate ka ba sa ganoon? E may forever ka naman haha.

Walang forever.. gaya ng lagi kong sinasabi sa friends ko, meron lang akong lifetime. Isang lifetime lang ang kaya kong ibigay sa kanya kaya dapat umayos sya. Hahaha

Para sa amin lang yang walang forever kahit 5 ever wala. Yan si Romeskie haha buo ang loob. Maayos naman ako pero bakit sumama sila sa iba? Haha.

@romeskie salamat at naipakita mo sa amin ang ganda ng Luneta. Sa totoo lang hindi pa ako nakakapunta ng Luneta. Hahaha. Di lang kasi ako nagtagal sa Maynila nun nagawi ako diyan. Hindi ko keri ang buhay Maynila. Hindi ako makakasabay sa buhay na meron kayo. Hahaha. Sobrang bilis ng oras diyan. Dito sa amin parang ang tagal ng oras. Hahaha
Buti marami kang alaala sa Luneta. Baka diyan kayo nagkita ng kabiyak mo at ang inyong buhay pag-ibig ay naipadala mo ky Mayor Lito para sa kanyang segment sa tv ang Maynila. Hahaha

Naku sayang. Sana nadalaw mo si Rizal noong hindi pa gaano kaprogresibo ang Maynila. Pero mas pinaganda pa rin naman nila ang Luneta.
Made in Taguig ang pagmamahalan namin ng butihin kong asawa. Baka isang araw, maikwento ko rin sa inyo ang aming pagtatagpo. :-)

Sapat na sa akin makita ang litratong naibahagi mo. 😀
Pwede mo rin ibahagi ang paglalakbay mo patungo sa butihin mong asawa. 😀😀😀

You got a 1.22% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63247.38
ETH 3242.29
USDT 1.00
SBD 3.90