Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon @shikika : Paglalakbay Sa Unang Pagkakataon Ng Masayang Pamilya

in #steemitdora6 years ago (edited)

Hello Steemian!!!

Magandang buhay mga kaibigan. Alam niyo ba na tuwang-tuwa ako para sa kapatid kong si @shikika sa kadahilanang matagumpay ang kanyang inumpisang paglalakbay patungo sa dako pa roon. Sa mga hindi pa pala nakakaalam si @shikika ay bunsong kapatid namin na babae pero hindi siya ang aming bunso kundi si @betbet. Si @shikika po ang nag enganyo at nagpumilit sa amin na sumali kaming magkakapatid dito sa Steemit. Sa totoo lang noong nakaraang taon pa ako hinikayat na sumali pero ngayong taon lang ako nakasali dito dahil wala akong mobile phone na pwedeng magamit. Mabuti na lang noong nakaraang uwi ng aking kapatid na si @shikika meron pala siyang regalo sa akin. Bagong cellphone. Yahoo! Para daw maka Steemit ako. Kaya eto na ako ngayon. Hindi rin po ako lage online sa Steemit dahil alam niyo na hirap din sa buhay. Minsan lang makapaglod. Tapos ngayon pinipilit ako ng kapatid kong si @shikika na gumawa ng paglalakbay patungo sa dako pa roon. Ang problema wala pa akong mga litrato pwede ibahagi sa inyo. Ang nakakatuwa binigyan ako ni @shikika ng mga litrato noong kami ay naglakbay ng aking pamilya. Hahaha. Gustong-gusto talaga ako ni @shikika na makibahagi sa kanyang sinimulan. Kaya naman ibabahagi ko na lang sa inyo. Hahaha

Noong nagbakasyon si @shikika noong nagdaang pasko, sinulit niya ang pagkakataon na makasama ang kanyang pamilya sa paglalakbay. Nagrenta pa po siya ng van para po sa aming paglalakbay. Eto po ang kauna-unahang paglalakbay ng buong pamilya. Wala nga lang si @sheuan dahil hindi siya nakauwi.

image

image

Pinangako po ni @shikika na maglibot ang pamilya sa Leyte. Maaga kaming umalis sa aming bahay. Ang una naming pinuntahan ay ang San Juanico Bridge ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nagkokonekta sa Leyte at Samar.

image

Bumaba po kami saglit para makapaglitrato. Ang saya saya po namin. Sa unang pagkakataon ay natupad na rin ang pinapangarap ni @shikika na kami ay sabay sabay na maglakbay.

image

Hindi po kami nagtagal sa tulay dahil ramdam namin ang pag uyog nito. Para iwas disgrasya na rin lalo na mga bata. Pagkatapos namin bumaba ng San Juanico bridge dumeretso po kami ng Samar pero naglibot lang. Balik na ulit ng Tacloban. Dumaan kami sa barkong napadpad sa lupa noong bagyong Yolanda.
Ang barkong nasadsad ay ginawa ng pasyalan.

image

Dahil sa kumakalam na aming mga sikmura nagderetso na kami sa Robinson Mall Tacloban para mananghalian. Nakalimutan magbigay ng litrato ni @shikika. Hahaha. Pagkatapos namin kumain naglibot libot muna kami sa loob. Naglaro ang mga bata. Sila ay tuwang-tuwa.

image

image

Hanggang sa nadaanan namin ang malaking Christmas Tree.

image

image

Dahil sa malayo pa ang aming lalakbayin. Hindi na kami nagtagal sa loob. Nagtungo na kami sa Mc Arthur Park sa Palo, Leyte. Dito lumanding si Mc Arthur at mga kasamahan niya.

image

image

image

image

image

Eto po pala si @shikika animo'y prinsesa. Hahaha

image

Dahil sa malapit na magdilim. Nagtuloy na kami ng Javier, Leyte kung saan ako nakatira ngayon kasama ang sarili kong pamilya. Naging road trip na ang aming paglalakbay dahil sa haba ng oras ginugol namin sa biyahe. Ng makarating kami sa aming munting tahanan hindi rin sila nagtagal dahil sobrang layo pa ng kanilang lalakbayin pauwi ng Barugo, Leyte. Hanggang sa hindi ko na alam anong sunod na pangyayari. Pero ako ay tumawag ky @shikika kung nakauwi na sila. Naabutan pala sila ng gabi sa daan. Sa boulevard ng Carigara, Leyte na lang sila naghapunan. Pagkatapos maghapunan umuwi na rin sila ng Barugo, Leyte.

Masayang maglakbay kasama ang buong pamilya patungo sa dako pa roon. 😀 Sana marami pang paglalakbay ang aming pagsasamahan ng buong pamilya.

Hanggang dito na lamang po ang paglalakbay na aking maibabahagi. Hanggang sa muli.

Thank you so much dear sister for the love and support. 😊😊😊💓....

Love,

@nante

Sort:  

Congrats A family that prays together stays forever!

Wow..happy family ..masayang paglakbay kasama ang buong pamilya ...😁👍

Yap.. minsan lang mangaro, tnx to my loving sister @shikika

Minsan lang mangyari

Naks naman! Ahamazing! Hahaha 😘😘😘

Thank you 😘 Love you 😘😘😘

Love you mano. 😀💖

Likewise💓

Masayang paglalakbay, Masayang pamilya! salamat sa pagbahagi nito, mano! 😆@nante

Salamat gihap

You got a 2.37% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 62877.62
ETH 3140.75
USDT 1.00
SBD 3.89