Paglalakbay sa Dako Pa Roon ni @shikika:BOHOL

in #steemitdora6 years ago (edited)

Magandang buhay po sa inyo mga kaibigan.Ako po ay mapalad, pagkat ako'y inanyayahan ni @shikika na sumama sa kanya at sa mga kaibigan nya na maglakbay.

Ang Paglalakbay sa Dako Pa Roon ni @shikika ay masasabi kong isang pagkakataon na di dapat palampasin.Sa pag anyaya nila sa akin nito, ako ay napa isip,kung sasama ba ako o hindi.

Sa pag iisip kong iyon halos abutin ng dalawang linggo kung ano man ang aking magiging desisyon.At ito na nga ang naging desisyon ko,sasama ako sa kanila para marating ko rin at malaman kung ano ang nandun sa Dako Pa Roon.

Hindi man po ako nakasama sa mga lugar na kanilang nilakbay narito naman po ako upang dalhin at ipakita sa kanila ang bayang sinilangan ng aking ina.

BOHOL

image
Sa paglalakbay nating ito,ako muna ang magsisilbing "Tour Guide" niyo☺😃😃So lets go guyz😃😃😃

Unahin natin ang Napo ang Napo ay isang baranggay na matatagpuan sa bayan ng Loon dito sa Bohol.Ang Napo ay nasa ibaba ng bayan,dadaan tayo sa ipinag mamalaki nilang hagdanan pababa sa kanilang Barangay,tinawag nila itong "Inang-angan". Ito ay ginawa sa panahon na tayo ay pinamumunuan pa ng mga Kastila.Ang hagdan na ito ay gawa sa "buhay na bato". Sabi ng aking ina ang mga batong ginamit dito ay kinuha pa sa dagat.Isa po sa mga gumawa nito ay ang mga ninuno ng aking ina.
image
Sa ating pagbaba makikita natin ang sadyang napakaganda na dagat.Maputi ang buhangin nito at sobrang linaw ng tubig na halos pwede ka ng manalamin.😃😃😃
image
image
Dumako naman po tayo sa kung saan kilala ang Bohol dahil sa may isang tanawin na dito lamang makikita,yon ay ang:
"Chocolate Hills" sa Carmen
image
image
Ang isa pang ipinagmamalaki nila rito ay ang "Tarsier" sa Loboc. May katangian itong iikot ang kanyang ulo hanggang 180 degree's.
image
image
Marami pa akong gustong ipakita sa inyo ngunit di ko na po ito maipapaliwanag.Kayo na po ang humusga at kumilatis sa mga tanawin na aking ipapakita sa inyo.

"Watch Tower" sa Punta Cruz. Dito dinaos minsan ang isa sa mga naging pelikula ng tinagurian nating "The King" na si Fernando Poe Jr. Pasensya po at nakalimutqn ko yong pamagat ng kanyang pelikula(hehehe)😃😃😃
image
image
(Under construction po dahil sa lindol nung 2013)

"Hanging Bridge" sa Sevilla Bohol
image

"Hinagdanan Cave"
image

"ManMade Forest" sa Loboc
image

Hanggang dito nalang po ang paglalakbay na maipapakita ko sa inyo dito sa Bohol.Sana po ay nag enjoy kayo sa trip nating ito.Marami pa pong makikitang magagandang tanawin dito.Kayo na po ang mag diskubri kong anu-ano po ang mga iyon.Pero kung gusto nyo po ulit ng "tour guide" ako po ay narito lamang at handa pong e libot at samahan kayo.😃😃😃

Maraming salamat po @shikika pati na rin sa iyong mga kaibigan na sina @sunnylife @jennybeans @yennarido @lunamystica @akoaypilipina @ellechim0816 @taminites @reginecruz sa pag anyaya at pagsama sakin sa "Paglalakbay sa Dako Paroon" Sana po ay nag enjoy kayo!!!Maraming salamat po ulit!!!!Hanggang sa susunod nating paglalakbay.

"Pahalagahan at bigyan natin ng importansiya ang mga tanawin na ating nakikita,pagka't ito'y isang biyaya na bigay ng ating maykapal"

God Bless You all😃😃😃

Truly yours,

@flordecar26

Sort:  

Salamat @flordecar26 sa pagpaunlak ng aming imbitasyon. Kay ganda ng Bohol. 😀 Maraming salamat kami'y iyong nilibot sa bayan ng iyong mahal na ina. 😀💖

Salamat din po😃😃😃 @shikika

Walang anuman. 😀😀😀

You got a 1.28% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63314.98
ETH 3233.91
USDT 1.00
SBD 3.88