Bakit ako nag tatagalog?

in #steemitdiversify7 years ago (edited)

Tagalog salita o lingwahe ng mga Filipino.
English pangalawang lingwahe sa buong mundo. Ito ang nagsisilbing pangalawang lingwahe sa buong mundo para magkaintindihan.
filipino.jpg
May iilan na hindi magaling sa pagsasalita ng Ingles.

unnamed.png
google photo.

Ilan sa dahilan ng ibang Filipino o ibang tao kung bakit hindi sanay sa pag gamit o pagsasalita ng Ingles.

1.) Hindi nakasanayan marahil kinalakihan nila ay salitang Filipino o tagalog na ang naririnig. O isang pagiging makabayan.

2.) Hindi marunong magconstract ng words o hindi alam kung paano gagamitin ang salitang Ingles.

3.) Takot mag ingles dahil takot mahusgahan ng kapwa Pilipinong marunong o magaling mag ingles.
f3d0186c9.jpg

4.) Marunong ngunit nahihiyang magpahayag ng salitang pa ingles.

5.) Na uutal, pautal utal o nabubulol sa pag sasalita ng ingles kaya mas pinipiling huwag na lamang magsalita.

Alam naman kasi natin na nasa ugali na ng ibang pinoy ang pagiging judgemental o mapanghusga. Mamali ka lang huhusgahan ka na agad. Malala pa rito sasabihan kang "tanga" o "bobo". Kaya ang iba mas pinipili na magtagalog at hindi na subukan pang mag Ingles.
cd266428-1dbf-447c-a9c7-b0d5a5be595a.jpg

Pero marami naman sa atin ang mahusay talaga sa larangan ng pasasalita ng Ingles. At kilala ang bansang Pilipinas sa isa sa pinaka magaling makipag usap gamit ang ingles. Patunay rito ang pagkakaroon ng mataas na Industriya ng BPO o Call Center company dahil magaling at mahusay makitungo ang mga Pilipino sa ibang lahi.

Call-center-1.jpg
google photo.

Kagaya ko aminado akong hindi ako magaling sa pag iingles dahil na rin sa nahihiya o natatakot akong ijudge ng iba base lamang sa mali o di tamang pagbigkas ng ingles. Ngunit bukas naman akong matuto.

Ngunit palaging tatandaan hindi sa pagiging magaling o marunong sa pagsasalita ng ingles nagiging basehan ang kagalingan o katalinuhan ng isang tao. Ito lamang ay isang kakayahan na maaring matutunan kailanman.

Maraming salamat po.

filipino.jpg

Sort:  

ako maka salita tagalog hnd masyado marunong mag sulat or basa lol

hehehe. ako naman po nakakaintindi ng ingles pero hirap mag ingles 😂

Yeah sarap sarap magtagalog eh :) Thank you to Jose Rizal and thanks for posting this too ;)

You're welcome ☺☺☺ Ang hindi magmahal sa sariling wika masahol pa sa malansang isda? Hahahahahaha tama ba un.. naku lagot.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 56922.13
ETH 2347.73
USDT 1.00
SBD 2.43