Paalam mahal

in #steemitdavao2 years ago

IMG_20190220_170159_591.jpg
[photo is mine]

isang araw sobrang lambing mo sakin,
kulang nalang ipag sigawan mo sa buong mundo kung paano mo ako mahalin.
sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga araw na iyon,
dahil sobra mo akong pinapasaya na kulang nalang ako`y mapatalon.

mga sandaling ninamnam ko ang bawat halik mo,
mga yakap mong sobrang higpit ay nakakapanibago.
nakakapanibago dahil ngayon ko lang ulit naranasan ito,
ang yakapin at lambingin sa harap ng ibang tao.

mga ngiti mo ay tumutunaw sa nagyeyelo kong puso,
mga titig mong sobrang lagkit na nagdidikit sa mga basag na bahagi ng aking puso.
ito ang mga bagay na ngayon ay na.mimiss ko,
sa pagkat wala na ang dating ikaw na kilala ko.

isang pangyayaring sobrang pinagsisihan ko,
isang araw lang pero hanggang ngayon ay nakatatak sa puso`t isip ko,
isang araw na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata,
ito ang araw ng iyong pagkawala.

paalam na aking mahal,
salamat sa ipinadama mo sa aking kakaibang pagmamahal.
kunti man ang ating mga alaala,
lahat naman ito`y alaalang masasaya.

thank`s for dropping by (^o^)

received_1691800554188327.png

Sort:  

Good luck in all that you do @gmarie one relationship might have ended but a new one can begin someday. Thanks for posting again in @steemitdavao, @emaferice and I are new members 👍🏻

indeed.. thanks @chrisrice for dropping by and leaving a comment to inspire me. highly appreciated it. 😊😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.03
JST 0.021
BTC 17090.87
ETH 519.77
SBD 1.13