Greatest OPM songs

in #steemit7 years ago

List of Top OPM Classics. Ano bet mo? Chill-chill lang muna kaya mag Tagalog muna tayo. Mamaya na regarding bitcoins.

Expect this post to be full of trivias and maybe, nostalgia.

Note: For those uninitiated, OPM means Original Pilipino Music. Filipino music has a lot of history, and therefore is entitled to commemorate it, as there are few lists out there regarding greatest OPM songs.


greatest OPM songs.jpg

“Kay ganda ng ating musika,” sabi nga sa title ng kanta ni Hajii Halejandro, na original composition ni Ryan Cayabyab.

Ito ang kantang nag-1st place sa Metropop Song Festival noong 1977.

Trivia: Alam niyo ba ang isa pang all-time great na kanta na tinalo niya sa festival na iyon?

(Warning: You will be shocked to know this. Pwede niyong i-google at i-comment.)


For this list, songs of the past 18 years are covered. In other words, from 1990 to present. We sure do, ang mga kantang Handog, Ang Himig Natin, Awitin Mo at Isasayaw Ko, Bonggahan, Masdan Mo Ang Kapaligiran, Pangako Sa'yo, Ewan (APO Song), at kahit Butsekik, ay hindi na natin maisasama sa listahan na ito, dahil may sarili na silang kinalalagyan sa mayaman na kasaysayan ng ating musika.

Hindi na rin maisasama sa listahan na ito ang “critically acclaimed” na kantang Anak ni Ka-Freddie Aguilar – ang kantang sobrang hinangaan ng buong mundo – kahit pa na nag-2nd place lang siya noong 1977 Metropop Song Festival.


My criteria on making this list is based on scientific methods and tested by research. Wow ha. Hehehe.

Haba ng intro. Now, for the list:



10. "Awit ng Kabataan" - Rivermaya

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan," ika nga ni Gat. Jose Rizal. Pero pakiramdam natin hindi naman na-isasakatuparan itong vision ng ating pambansang bayani, lalo na sa mga pananaw ng mga matatanda.

Sasabihin ng mga matatanda, "hindi ko na maintindihan ang mga kabataan ngayon! Hindi na sila ngayon nakikinig sa mga matatanda!"

Huh? Parang mali. Akala ko ba na para maintindihan mo ang isang tao, dapat ikaw ang makinig?!

Nang dahil sa pagsalaysay nila Bamboo at Rico Blanco ng Rivermaya sa pamamagitan ng kantang ito, nabigyan ng boses ang pakiramdam ng mga kabataan, na matagal na nila tinatago. Puro pangaral ang mga matatanda, pero hindi nila alam kung bakit nagkakaganun ang mga kabataan; puro sigaw, pero lalong hindi nagkakaintindihan. Sabi nga ni poet na si Ralph Waldo Emerson, "What you shout louder in my ears I don’t understand."



9. "Alapaap" - Eraserheads

This came out of their album, Circus in 1994. It is their second album, so they went beyond their songwriting capabilities: umabot ng alapaap. And I don't really sure how to construe what is the real alapaap meaning in this song. Ask the then-Senator Tito Sotto. He tried to ban this song, kasi daw it promotes illegal drugs. Ayon sa kanya. Yeah boy.

Ito naman si Tito Sen parang hindi naging rock and roll.

The Eraserheads replied by giving a letter personally to Sen. Sotto doon sa office niya sa Batasan. The letter by Eraserheads states that they invoke their ode to freedom of expression for that song, and not ode to drugs.

Parang pwede pang constitutional law question pa itong issue na ito. Freedom of expression and speech.

Pero as per Ely Buendia reiterates and said, "Gusto ko lang kumawala sa problema sa mundo, gusto ko lang lumaya."

Ayan tuloy, according to Eheads fans, gumanti ang Eheads kela Tito Sen sa later song nila na Spoliarium.



8. “Kaleidoscope World” – Francis M.

Ang opus magnum ni idol, ni Master Rapper. Ironically, itong kanta na ito is not even a rap. The song basically tackles about social indifferences.

Basta, speechless ako pag naririnig ko itong kanta. May mensaheng ipinararating sa atin kaya ninanamnam ko na lang. Ganun din ba kayo?

Napapakanta lang ako dun sa part na ng outro. Yung solo ng gitara. Parang Bohemian Rhapsody.



7. "S2pid Luv" - Salbakutah

Sa ayaw at sa gusto mo, kabilang ito sa ating listahan. In fairness, sobrang sumikat ang kantang ito! May movie pa nga e.

Ang effect: nagkalat ang mga jologs (spelling palang ng title at name nila jologs na), bumenta ang malalaking damit at maong, nagpakalbo yung iba o kaya nagpa-cornrows (yung buhok ni Iverson), at higit sa lahat, lumaki kita ni manong na nagbebenta ng pirated CD. Haha.

Partida, nung sumikat itong kanta noong year 2001, kasabay niya lang naman ang mga malulupit na foreign acts, katulad nila Eminem, Linkin Park's In the End, Limp Bizkit, Creed, Incubus, Britney Spears, mga boy bands, at lahat lahat na!

Pero panis sila dito sa “S2pid Luv”, dahil namayagpag pa rin itong kanta, all charts over the country.

Pag kakantahin mo naman ito sa videoke ngayon, sa una tatawanan ka pa ng tropa mo, pero mamaya-maya, makiki-jamming na rin sila sa chorus, sabay-sabay na sisigaw at the top of their lungs, "Stupid!!!!!!!!!!!!"

Ano nga bang meron sa kantang ito at ang lakas ng impact?


6. "Humanap Ka ng Panget" – Andrew E.

Ang patron daw ng mga panget, ang tagapagligtas daw ng mga panget, the king of dirty raps. Gamol. Call him Andrew E., whatever you want, but one thing is for sure, this song is one hell of a song up to now.

Hindi lang si Andrew E. ang sumikat ng dahil sa kantang ito, pati si Zorayda.

Pati na rin si Beethoven. (Huh? Teka, teka, sino yun?)

Si Beethoven. Si Beethoven ay sikat sa screen name na Michael V. Alam nyo ba na rapper siya dati bago naging isang magaling na komedyante? Kinontra niya kasi ang kantang ito, ang sabi sa title ng kanta niya, "Maganda ang Piliin."

Pinatulan naman kaagad ito ni Gamol, sa isang live na palabas sa TV, iniba ang lyrics at kinanta, "isang panget na talagang hindi mo matanggap. At huwag Michael V. na iyong pangarap!"

There's no such thing as bad exposure. Kaya sumikat rin itong si Michael V.

Pero sunod-sunod din ang movie ni Andrew E. Halos lahat ng mga magagandang aktres noong panahon na iyon, naging leading lady niya. Nakatambal niya pa nga si Megastar Sharon Cuneta sa movie na "Megamol." Ganun siya kalakas!

Dumami pa ang mga kantang pinasikat niya. Pero isang linya pa rin na galing sa kanya ang tatatak sa ating isipan. An unorthodox advice:

Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay, at kung hindi sige ka puso mo mabibiyak, mawalay man ang pangit hindi ka iiyak! Diba?



For the list from top 5 to top 1, I am sorry it will be on my next post. But on the positive side, you can take and guess what songs will be on my list. Bigyan ko kayo ng clue.

On the bubble / honorable mentions, meaning top 11 onwards:

Your Love by Alamid, Next in Line by Afterimage, Sirena & Lando by Gloc-9, I'll Never Go by Nexxus, Forever's Not Enough by Sarah G., Pagdating ng Panahon by Aiza S, Modelong Charing by Blakdyak; Agent Orange by Slapshock; Harana & Mr. Suave by Parokya ni Edgar, Sinaktan mo ang Puso ko by Michael V., Pare Ko by Eraserheads., Wag na Wag mo Sasabihin by Kitchie Nadal, Hawak Kamay by Yeng, Smokey Mountain, The Youth, etc etc. . . .

What the f***? Andami magagandang OPM songs kaya hirap mag rank. So help me out.

Top 5 to top 1 to be posted tomorrow, so make sure to follow, thanks!

steemit rigormortiz footer follow upvote.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95317.76
ETH 3302.38
USDT 1.00
SBD 3.31