The Diary Game Season 3|| Ang aming Section 3 Youth Joint Fellowship - "Reunite to Ignite for a Greater Purpose".

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa nakalipas na mga araw masasabi kong talagang naging abala ako sa mga gawain ng Dios at nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa nagbigay Siya sa akin ng lakas upang makaya ang lahat ng ito. Isa nga gawain namin ay ang Youth Joint Fellowship na kung saan kaming nga leaders ang nag facilitate.

jpg_20221218_193721_0000.jpg

Mga ilang buwan na nga naming pinaghandaan ang Youth Joint Fellowship namin na ito dahil sa matagal na panahon ay muli na namang magkaka isa ang tatlong circuit ng aming section at sa pagkakataong ito nga ay sa isang Beach Resort.

photocollage_20221222202347251.jpg

Mula pa nga noong gabei pa lang bago ang event ay abala na talaga kami dahil nga sa kaming mga leaders ang inatasan na mag plano, mag prepare at sa mismong event na talaga. Kami mismo ang namili ng mga sahog para sa lulutuin namin ulam kaya noong pagkabili namin ay agad din naming inasikaso para kinabukasan ay lulutuin na lang.

Mga nasa oras na 4:30 ng umaga kami noon gumising para makapag luto ng maaga dahil mga 7:00 kailangang nandon ma kami sa venue. Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil naging maganda naman ang kinalabasan ng pagluluto namin at natapos saktong 7:00 at biglang nag message ang speaker namin sa event namin na nasa venue na siya at wala pang tao kung kaya nagmadali kaming pumunta at salamat sa Dios dahil naging maayos naman ang pagdating namin at unti unti nang dumarami ang mga kabataang dadalo.

photocollage_20221222222830521.jpg

Pagkatapos ng ilang sandali habang patuloy na parating ang ibang mga kabataan ay sinimulan na namin ang gawain namin sa araw na ito sa pamamagitan ng mga dasal at pagbigay at pag alay ng mga awitin para sa Dios, at syempre hinding hindi mawawala ang Praise and Worship na isa sa aming Youth Pastora ang nagdala at isa naman ako sa mga back ups.

Pagkatapos ng mga awitin at pagbigay papuri't pagsamba sa Dios ay sinundan din ito agad mg mga salita ng Dios na ang aming Speaker na ang aming District Youth Coordinator at ito ang unang pagkakataon na naging speaker namin siya sa isa sa aming Youth Fellowship at lubos ang aming pasasalamat sa Dios. Ang event nga namin ngayon ay may tamang "Reunite to Ignite for a Greater Purpose" at dito nga sa temang ito napaluob ang ibinahagi niya lalong lalo na at kailangan namin ito na magkaka isa kaming lahat para sa Dios, bilang mga leaders ng mga youth at kahit na sa mga Church mismo namin. Napakaganda ng mga mensahing nakuha namin dahil lingkod ng Dios at sa Kanyang Salita mismo.

photocollage_2022122222393497.jpg

Hindi ko naman pinalampas ang pagkakataon ma maka kuha ng mga larawan sa ilang mga youth pagkatapos ng aming morning fellowship habang abala na ang iba sa pananghalian.

IMG_20221217_130233_010.jpg

Hindi rin namin pinalampas ma kaming lahat mismo na nasa fellowship ang magpa picture. Unang pagkakataon na nagkaroon kami ng Section 3 Group Picture ng mga youth. Masayang tingnan nga naman na makitang nagsasama sama ang mga Youth ng aming section mula sa tatlong circuit.

photocollage_2022122222443455.jpg

Pagsapit nga ng hapon ang tanging gawain namin ay ang Parlor games and Team Building Activities at salamat sa Dios dahil meron kaming mga teachers na mga kasamahan na leaders na silang naka assign para sa mga games. Sobrang saya naman ng mga pangyayari bagamat hindi lahat sumali, marami naman ang na aliw at nanalo ng mga prizes, bagamat bigla lang umulan naging maganda naman ang mga laro ng mga kabataan at mas nag enjoy pa sila sa ulan.

Sa kabuoan ay naging maayos at matagumpay ang lahat sa araw na ito, kahit na talagang pagod na pagod na kami ay nagpapasalamat kami sa Dios sa patuloy na pagbibigay lakas sa amin mula sa planning hanggang matapos ito, at ginawa namin ito lahat para sa Dios lamang.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 3 years ago 

Tama po sir @loloy2020 kahit gaano kapagod ang aking asawa sa kanyang trabaho ay hindi sya nakakalimot mag pasalamat at magdasal. Sa Panginoon tayo humihingi Ng tulong o gabay Sa ating mga problema. Pero sa Panginoon din natin mkikita ang solution at lakas. Maligayng pasko po sanyong laht

Coin Marketplace

STEEM 0.13
TRX 0.33
JST 0.034
BTC 112203.77
ETH 4318.55
SBD 0.85