P E R O | " Gumuguho na toreng magkasama nating binuo..." | Original Poetry

in #steemgigs7 years ago

Heto na! Dumating na yung oras na kinatatakutan ko..
Heto na! Gumuguho na toreng magkasama nating binuo..
Mali... AKO.. Ako lang pala ang bumuo.
Heto na! Papalapit na tayo sa wakas,
Kahit libro nati'y hindi pa nagbubukas.

Napanuod ko na to! Pamilyar na ko dito!
Sa parte ng kwentong akala mo espesyal ka sa isang tao,
Tapos pag nahulog ka walang sasalo.
Pero teka.. Tila yata kasalanan ko.
Ang lahat ng to'y pagkakamali ko..
Pagkat sa umpisa ng kuwento, kaibigan mo nga lang pala ako.
Pero pangako, pinigilan ko..
Pinilit kong isiping lahat ng pinapakita mo saaki'y di totoo..
Maniwala ka! Pinigilan ko!
Pinilit kong di mahulog sayo..
Pinilit di maniwala sa mapanlilang na salita mo..
Pinigilan ko't pinilit manalo sayong laro..

Pero..

Pasensya kana, nagpalamon ako sa kagustuhan kong mapasakin ka..
Pasensya kana, di ko nakuha ibig sabihin ng 'yong pag aalala..
Pasensya ka na! Di ko nilabanan ligayang nadarama..
Pasensya ka na! Nalimutan kong langit ka, at kailanman di ka maabot ng gaya kong lupa..

Wag kang mag alala, sa mga mata ko wala kang masisilayang luha..
Ang masaktan ako'y di mo makikita..
Di ko ipapakita, dahil ayokong makaramdam ka ng awa..
Ayokong ipakita, dahil alam kong lalayo ka..
Ika'y mawawala.. Mawawala ka, hindi ko kaya..
Hahanap hanapin ko yong dulot mong saya..

Kaya akin to! Akin lang lahat ng sakit na to!
Maramot na ko kung maramot!
Pero hindi mo ko makikitang malungkot..
Di ako iiyak, isusulat ko to, ilang papel man aking malukot..
Dito ko ipapahid luhang iyong dulot..
Sa pamamagitan ng tinta, sakit aking malilimot..

Hindi ako dapat masaktan, wala akong karapatan..
Hindi ako dapat umarteng talunan.. Pagkat una palang batid ko ang katotohanan..
Ang lahat ng ating nasimulan,
lahat yun sayo'y laro lang..
Ang lahat ng salitang iyong binitawan,
Lahat yun sayo'y biro lang..
Hindi ako dapat masaktan, pagkat ako lang naman ang nag bigay ng ibang kahulugan..
Kahit batid kong ako'y iyong kaibigan lang..

Hindi mo ko makikitang malungkot,
Ilang papel man aking malukot..
Di ako masasaktan,
Maghihintay ako sa "balang araw"
mananatili ako sayo..
Kahit bilang 'yong kaibigan lamang.

-Bernadette Holanda
https://www.facebook.com/bernadette.holanda.9
https://www.facebook.com/holandabernadette/posts/760300654138414

Hello guys, I hope you enjoyed this. I am posting this to support my sis. Please also do Follow her and read her posts!

here she is:

OOOPSS! Don't Forget to upvote | resteem | comment | and follow! Stay cool!

Feel free to visit my feed and discover cool stuffs.

Check this link! This will surely help you make greater and more creative photographs!
Stay cool and Let me know what you think!

https://steemit.com/photography/@theloneword/photography-hacks-that-anyone-can-do-genius-and-creative

Sort:  

nice,,..good job..@theloneword

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63964.02
ETH 2592.87
USDT 1.00
SBD 2.75