Ang aking sarili

in #sarili6 years ago

Sa buhay ng tao sa mundong ito marami ang hindi maipaliwanag. Sapagkat maraming tao ang nagtatanung kung bakit nang yari ang pagkamatay nang tao na walang dahilan. Ako bilang tao namumuhay sa magulong sanlibutang ito ay maraming nararanasan. Hindi lang sa hirap ng buhay kundi sa pakikipag kapwa tao.
Maraming tao na binababa ako, ibig sa bihin ni lalait at tinutukso ako dahil daw sa pag mumukha ko. Pero binawaliwala ko iyun dahil Alam ko sa mata nang panginoong Dois, kapag binababa Ka ng tao itinataas Ka ng Dios. Pero kapag ikaw ay pinupuri at i tinataas ng tao binababa Ka ng ating panginoong Dios. Ang buhay ng tao at parang gulong minsan nasa taas minsan naman nasa ibaba.

Ako ay maraming karanasan sa buhay na ito, maraming mga pagsubok at suliranin na mabibigat. Pero hindi agad ako sumosuko dahil alam ko na mayroong Dios na tutulong at aagapay sa akin. Lalona sa pag-aaral pipiliting makapag tapos dahil ito ang aking pangarap at pangarap nang aking magulang. Pero mayron ngang pagkakataon na nabigo ko sila dahil sa nagloko ako at pinabayaan ang pag aaral.

Pero pinipilit ko na bumawi at nagsusumikap na hindi na ma uulit pa ang nang yari na nang una na nag pabaya ako. Dahil nalaman at na intindihan ko na kapag wala akong pinag aralan ang hirap ng trabaho na yung ma papasukan. Sabi nga nang aking papa sa akin na pinipilt nyang makapag aral ako, at ginagawa ang lahat nangkanyang makakaya upang ako ay makapag tapos ng pag aaral, dahil sabi pa nga nya na para hindi ako ma tulad sa kanya na mangingisda lamang ang kanyang hanapbuahay. Kaya ngayun nag susumikap na maka tapos sa aking pag aaral at sisikaping hindi ko na mabigo ulit ang aking mga magulang sa pag pa aral sa akin.

Sort:  

Tama iyan pagsikapan natin na makatapos tayo ng pag-aaral para matuwa ang ating mga magulang.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59908.77
ETH 3191.82
USDT 1.00
SBD 2.43