Tanim Bakod

in #redfish6 years ago

20180215_150237.jpg

Ito ay tanglad sa aming salita nabubuhay na ang itinanim ko ginagamit namin to sa pagluluto ng sinabawang isda presko na medyu matamis ang lasa kaya masarap konting tanglad lang ang ihalo ayos na.
20180215_150230.jpg
Ito pa yung isang puno ng itinanim ko din sa bakuran lang namin may konting bakanteng lote sa tabi.Mahirap kasi kapag nakihingi nalang palagi sa iba sa tuwing gumagamit kami nito kaya nagtatanim na ako ng sarili.
20180215_150203.jpg
Ito naman ang tanim ng kapitbahay ko magkadikit lang halos ang pagitan namin sa bahay kaya isinama ko nalang ang tanim nilang tanglad sa pagkuha ng litrato.Kahit mabait sila at libre lang ang humingi nito pero iba talaga ang may sarili din para hindi na kami mahiya na nakihingi sa tanim na kanilang pinaghirapan din itanim.Mabuti narin yung pinaghihirapan ko din ang inaani ko. Maraming benipisyo ang tanim na tanglad kasi ito ay pinaniniwalaan na nakapagpababa ng blood pressure o altapresyon.Kapag may niluluto naman kaminna litson ito ay ginagamit naman sa panglaman loob upang maging mabango at masarap ang nilutong litson maging manok o baboy.Ito yung tinatawag sa english na lemon grass.

Sort:  

Tama.. Masarap p itong sangkap s pagkain...

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62900.39
ETH 3357.78
USDT 1.00
SBD 2.47