Masustansya at Masarap: Ginisang Mais na may Malunggay- Lutong Bahay recipe!🇵🇭

in #recipe-blog7 years ago (edited)

Hi guys, masayang araw sa ating lahat!😍

Hayaan po ninyong ibahagi ko sainyo ang aking recipe alam natin mahirap mag-isip sa araw-araw anu lulutuing ulam para maihanda sa ating mga mahal sa buhay o mahal nating pamilya. Ako po minsan nahihirapan din mag-isip kung anu ang lulutuin ko lalo na po ang anak ko subrang masilan sa mga pagkain lalo na sa ulam yun dun po ako nahihirapan magpakain sakanya kasi gusto nyalang na ulam yung may mga sabaw lang pili pa. Kaya naisip ko ulit magluto ngayon ng may sabaw para makakain ang anak ko. Siguro po mauumay na kayo kasi kahapon kakaluto ko lang ng may malunggay tapos ngayon may malunggay ulit hehe! Sana guys wag kayo magsawa ah. Sana support parin kayo sa blogs!😍😆

Eto po naisip ko ngayon lutuin kasi medjo matagal na ako hindi nakakapagluto neto at gusto ko maibahagi ang recipeng eto saaking mga bagong followers at sumusuporta na hindi pa alam etong aking recipe ng Gisang Mais na may Malunggay.

Ang mais at ang malunggay isa po eto sa masusustansyang gulay. Kaya eto lage ko pinaghahalo tuwing luluto ako ng mais hinahaloan ko din po ng kamatis kasi hindi po kompleto ang ginisang Mais kapag walang kamatis at malunggay. Guys sobrang dali lang neto lutuin at makakatipid tayo kasi yung mais at kamatis ngayon mura tapos yung malunggay kung meron ka tanim o sa kapitbahay hingi lang tayo hindi naman mga kuripot mga kapitbahay natin siguradong bibigyan tayo!😍 dito sa gisang mais guys kahit anu ihalo nating sahog pwede kung anu meron ka stock jan sa freezer pwede na kung may hipon ka mas okey yun ihalo dito kasi healthy din naman ang hipon kaysa sa baboy. Gusto ko sana hipon isahog dito kaso wala akong stock at medjo din may kamahalan ang hipon. Kaya eto pork meat nalang hinalo ko 50 pesos lang may sahog na ako sa aking ginisang mais.

Guys sobrang easy lang lutuin at sobrang dali maluto netong ginisang mais. Kaya hindi tayo mahihirapan sa pagluluto. Share kona po sainyo kung paanu ko sya niluto at kung anu ang aking mga hinalo. Sana po magustuhan ninyo.😍🙏

Cooking time: 30 to 35 minutes

Ang aking Masustansya at masarap na Ginisang Mais na may Malunggay!😋
IMG_20180203_120035.jpg

Mga Sangkap:
200 grms Pork meat (hiwain ng maliliit)
3 pirasong Mais (gayatin ng maninipis at kayudin) tama ba yung kayudin ko?😄
1 tasang maliit Dahon ng Malunggay
6 pirasong kamatis (hiwain pang-gisa)
2 tasa Tubig
3 piraso ng Bawang (Durogin)
1 pirasong pulang Sibuyas (hiwain ng pang-gisa)
2 pirasong siling haba
1/2 kutsaritang asin
1 knorr pork cubes
Paminta durog

Paraan ng Pagluluto:
Take note: Bago lutuin at igisa kailangan Pakuluan ang pork meat ng 15 minutos at ibukod ang sabaw na pinakuluan. Yung isang tasa ng tubig yun ang gagamiting pagpapakuluan.

  1. Fried ng konte ang pork meat. Then igisa sa bawang, sibuyas, kamatis at mais. Haluhaluin at takpang ng konte upang sumipsip ang mga sangkap sa mais.
  2. Ilagay ang isang tasa ng tubig at yung tinabing pinakuluan sa pork meat. Haloin at takpan lutuin hanggang sa lumambot ang mais. Ilagay ang Pork knorr cubes
  3. Bago patayin ang apoy ilagay ang Malunggay at ang siling haba taktakan ng paminta.
  4. Then serve natin ng mainit at samahan ng kaning umuusok usok pa para masarap at masaya ang kainan ng ating pamilya.

😍I'm super happy to serve with you my simple dish and healthy delicious recipe ❤Happy eating everyOne❤

Eto po yung mga Actual na litrato sa paghanda at pagluluto ko sana po kahit sa ganitong paraan masundan nyo po ang aking pagluluto!
IMG_20180203_110514.jpg

IMG_20180203_110428.jpg

IMG_20180203_110545.jpg

IMG_20180203_111556.jpg

IMG_20180203_111728.jpg

IMG_20180203_113426.jpg

IMG_20180203_113800.jpg

IMG_20180203_113949.jpg

IMG_20180203_115900.jpg

Maraming salamat po sa pagbasa at pagdaan dito sa aking blog!💟

Hanggang sa muli... Godbless steemians😘🙏

Guys please follow and continue to support kuya terry or @surpassinggoogle us our voting witness!
Write: @steemgigs and others witnesses
https://steemit.com/~witnesses

Screenshot_20180202_165836.png

Thank you for your support❤
DQmeDka8VDGrorYwbQkWmqzttojbPGkVAFewwg6tnZV296E.png

Sort:  

Mam nakuu! 😍 Nakakatakam na naman ang Luto nyo.
Pero totoo UnG mga sinasabi ( minsan dumadating ung point na wala kang maisip iluto) hehehe ganyan na ganyan din aq, pino problema ko noon Kung ano ang ihahanda Kong pagkain.
At ngaun lng aq nakakita ng ginisang mais, akalain mo pwede pala, gawin ko nga rin Yan. Salamat sa ideyang Ito, kasi pag my mais kami, soup lng ang alam Kong gawin sa mais, ayaw pa ng anak ko minsan, gusto lng nya nilagang mais.
More power to you mam!
Looking forward to your next recepi blog 😃
Salamat po!

Wow thank you ma'am sa sobrang pag-appreciate po sa blog ko😍☺️
Sobra po nakakataba ng puso❤️
Gudluck ma'am sure po ako na magugustuhan yan ng anak mo isa pa po super healthy.

hi ate hahaha

Hi claire kumusta? Maya visit kita sa blog mo ah😘

Yummy with delicious looking food

Thank you very much @roky!
Later i visit your blog ah. Thank you for always support @roky😍🙏

kagutom sissy waaaa
cge lang sarap naman ng luto mo!!

Maraming salamat sissy ko! Para sayo yan sis😘

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 60880.00
ETH 2626.54
USDT 1.00
SBD 2.57