PATIMPALAK NG POTOGRAPIYANG FILIPINO - MGA BULAKLAK
Cobaea Scandens - Mexico
Kamera : Canon Ixus 140
Ito ay larawang kuha ko sa Botanical Garden of Belvedere sa Vienna. Dito ako gumagala kapag oras na ng tanghalian... katapat lang ito ng aking opisina.
Naisipan ko na lumahok sa patimpalak na ito upang maipakita ko sa ating mga kababayan na kahit anong edad meron man ang isang tao, maipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagpupursigi sa larangan ng ibat-ibang Sining.
Ako ay isang taong mapagmahal sa kapaligiran at kalikasan, at sa bawat saglit na kapag nakakita ako ng isang bagay na maganda sa aking paningin ay lagi ko itong kinukunan ng larawan, isa na rito ang mga bulaklak... Sa umpisa, hirap din ako dahil sa mga lumang kamera na nauso nuon katulad ng Polaroid o yung tinatawag na kamerang analog na ang ginagamit ay rolyo ng pelikula... napakamahal ng pag papa imprenta at hindi sigurado na maganda o malinaw ang kalalabasan ng mga kuha. Kaya laking pasasalamat ko sa teknolohiya na posible tayong magbura at mag pa ulit-ulit ng kuha ng mga larawan ng hindi tayo nagagastusan ng malaki.
Kamera : Canon EOS 1200D
1/20 Seg. f/5 42 mm ISO400
Ang larawan sa itaas ay bulaklak sa aming hardin. Ang tawag sa bulaklak na ito ay Petunya at tuwing tagsibol ay tinatanim ko ito sa mga paso at isinasabit sa pader.
Kamera: Canon IXUS 5.0
Ang ikatlong larawang ito ay kuha sa Andalucia, España. Ang uri ng bulaklak na ito ay Mansanilya kung tawagin at kabilang sa pamilya ng mirasol (Latin: Asteraceae). At dahil napakaliit ng insektong dumapo sa bulaklak na ito ay ginamitan ko ito ng macro kaya lumaki ang imahen niya. Ang kamerang ginamit ko na Canon IXUS 5.0 ay ang pinakamaliit na kamerang dihital na nailabas ng taong 2006 at sinlaki ng isang credit card.
Sana ay nagustuhan ninyo ang lakip kong mga larawan at magkaruon kayo ng inspirasyon sa inyung mga pang araw araw na gawain.
Maraming salamat at Mabuhay!
Beautiful flowers mers. Voted Up.
@Yehey
Thank you.
Thank you @yehey..
very very nice pics :)
Thanks @aek081969