TULA : Salamat Aking Ina

in #poetry8 years ago

photo is mine , it's my mama in there

Sa sinapupunan pa lang akoy inalagaan
Kaydaming tiniis sa siyam na buwan
Kinaya mong lahat para sa aking kapanganakan
Pagmamahal mong alay walang kabayaran

Sa aking pagkabata, lage kang nakagabay
Kapag akoy malungkot ikay nakaalalay
Halos lahat ng nais koy iyong naibigay
Isusubo mo na lang sakin pa rin iaalay

Ikaw ang humubog saking talento
Parang konsyerto pag umaawit tayo
Pati sa pagsayaw humahataw ng todo
Pinagmalaki sa tao lahat ng naabot ko

Akoy nagdalaga nagkaron ng barkada
Ang yong kabutihan kanila ring nakita
May mga panahong ikay nagaalala
Pero sakin binigay ang buong tiwala

Dumating ang 'sang madilim na kahapon
Isang di inaasahang pgkakataon
Hindi ako tinakwil at di rin tinapon
Bagkus inakay at iyong inahon

Ngayong isa na rin akong ganap na ina
Naiintindihan ko na dating di ko makita
Napasambit ako nang 'ah ganeto pala'
Kapakanan ng pamilya pinakamahalaga

Salamat mama sa pagiging matibay
Sa aking mga anak ikay aking kaagapay
Pagmamahal mo sa amin walang kapantay
Ikay aking aalagaan sa iyong habang buhay

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments

Also our very own @precise , a very kind person and inspiration to everyone.
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Napaka ganda. Muntik nang nangilid aking mga luha. Pagmamahal ng ina, walang kapantay twina.
Thank you for the inspiration. Keep it up.

maraming salamat po sa papuri
Slamat po s apagbisita 😘❤️

may kurot sa puso bawat katagang iyong bibibitawan.. ",

nice poem!

maraming slamat sa pagbisita 😘

Isa ka ring magaling na manunula sis..i miss you <3

hahaha. slamat sis mana ko sayo e 😘❤️❤️❤️

I don't understand what it says but I kinda get the thought. "mama" says it all.

you're righr sir it's all for my mama 😊

Love you ma!!!❤️❤️❤️

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.088
BTC 61466.61
ETH 1662.65
USDT 1.00
SBD 0.38