Sa Paglikha ng Akda

in #poetry2 years ago (edited)

IMG_20220720_040638.png


Madalas Akoy parang nawawala
Nagiisip kung anung aking ilalathala
Talagang di madali ang daliang gawa
Dapat pinagisipan at magandang sadya

Minsan ang utak ay talagang blangko
Nandiyan ang ideya pero nagkakagulo
Kailangan din dito ay meron kang istilo
Gumawa ng isang makabuluhang artikulo

Ngunit tila bang pag aking nasimulan
Habang nagsusulat mga letra'y umuulan
Patuloy ang pagbahagi ng aking kaalaman
At nawa ang mga tao ito'y magustuhan

Sa mga magbabasa ikay dapat mapansin
Kanilang mga mata ay iyong sungkitin
Ipakita sa kanila ang talento mong angkin
Orihinal mong likha at sariling wika natin

Akoy nagpapasalamat sa Poong Maykapal
Isa na namang tula ang aking naitanghal
Dapat hindi lang gawa samahan din ng dasal
Siguradong ganda ng akda moy walang katambal

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66761.99
ETH 3256.83
USDT 1.00
SBD 4.27