Sa Ganitong Panahon ng Problema | A Filipino Poem

in #poetry7 years ago

Hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala ka
Nagkaalaman kung sino ang isa’t-isa
May mga araw na sagana tayo
Sa kwento, pinagkakasunduan, at saya.

Nasasabi mo ang lahat ng nangyari sa araw mo
Pati na ang mga kalokohan mo nung bata ka pa
Kung ano at bakit ito ang paborito mong pagkain
At kung anong mga bagay ang hilig mong kolektahin.

Masaya ako kapag nakikita kitang ngumingiti,
At nasasaktan ang puso ‘pag umiiyak ka at nalulungkot
Handang lumaban sa mga umaapi sa’yo,
At payuhan ka kapag mali ang ginawa mo.

Dumating ang problema sa pinto ng buhay mo
Tumuloy lang siya ng hindi mo alam
Nagising ka na lang na ang lahat ay nagkagulo
At umasa na panaginip lang ang mga pangyayaring ito.

22281575_1652311108136920_7018225287634957878_n.jpg

Madalas kang nakatitig sa malayo at tulala
Sabi mo mga nawalan ka na ng pag-asa sa buhay
Iniiwas ang sarili dahil walang masabi kundi problema
At mukhang lungkot ang ikakalat sa bawat ikukwento pa.

Pero sa ganitong panahon dapat lalo kitang samahan
Dahil mas kailangan mo ng karamay sa mga araw na hindi maintindihan
Tutulungan kang bitbitin and patong-patong na pasanin
At hindi ka iiwan habang ikaw ay nasasaktan.

Sabihin mo man na hindi mo ako kailangan
O, isipin na nakakasira ka lang sa buhay ko,
Sisikapin ko na abutin ka pa din
Hindi mo man abutin pabalik, sana malaman mo na nandito lang ako para sa iyo.

22154412_1652311541470210_7851685365818361265_n.jpg

Magkagulo man ang sakit na nararamdaman mo
Sasamahan kita umuulan man, umaraw, o bumagyo.
Masaya ka naman, malungkot, gusto mo man ng makikinig sa’yo o hindi
Hindi kita iiwan ‘pag ikaw ay nasasaktan kahit minsan lang o palagi.

Ang tulang ito ay nakuha mula sa ideya ng isang Korean series na I'm Not A Robot (2018) nung nagkaproblema sa pagitan ni CEO Kim Min Kyung at sa Santa Maria Team. Kinausap ng mayordomo ni CEO Kim na si Butler Song ang lawyer ni CEO Kim na si Atty. Jo Jin Bae nung gusto na niyang magresign sa trabaho na huwag siyang umalis kapag mayroong may problema.

INAR E25.JPG

Screenshot mula sa palabas na I'm Not A Robot na pinapakita si Butler Song.

Lahat ng larawan sa post na ito ay orihinal na kuha at pag-aari ng nagsulat ng tulang ito, maliban sa huling larawan.

Salamat sa pagbabasa sa tulang ito.
Magandang buhay sa iyo!
😊😊

Sort:  

Upvoted ☝ Have a great day!

Thank you for reading! A wonderful day to you as well! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.17
JST 0.032
BTC 63455.85
ETH 2722.31
USDT 1.00
SBD 2.58