AKO (TULA)
Nakatingin sa malayo
Nag-iisip ng kahit ano
Sa dagat na parang anino
Na nagsisimbolo kung ano ako.
Ang dagat na minsan ay kalmado;
Na minsan naman naman ay parang galit na may katalo.
Sa bawat hampas sa dalampasigan;
Ganoon kasakit ang nararamdaman.
Sa asul na kulay ng dagat;
Repleksyon lang pala ng ulap.
Tulad ko na akala mo masaya;
May tinatago palang lungkot at dusa.
Ang karagatan na napakalawak;
Maraming naitatago, iyan ay tiyak.
Ano nga ba ang nasa isip ko?
Malungkot? Masaya nga ba ako?
Ngunit may kulang sa aking pagkatao;
Pilit inaalam kung ano ito.
Sana malaman na nga ito;
Para makontento kahit papano.
Malungkot ka man o masaya;
Handa mong harapin ang buhay mag-isa.
'Wag mag-alala kung madapa ka;
Nariyan ang Diyos ginagabayan ka.