"Ang Ating Kalikasan" | A Filipino Poetry
Isang Mapagpalang araw sa ating lahat!
Isang napakagandang simula ng panibagong linggo. Ngayo'y nais kong ibahagi ang aking likhang tula patungkol sa ating inang kalikasan. Ako'y isa sa mga taong napakahilig sa magagandang tanawin, mga halaman at hayop. Kaya naman @wondersofnature ang napili kong pangalan dito sa Steemit. Para sa akin ang ating kalikasan ay isang paraiso. Mula nang ako ay bata pa lamang ay mahilig na akong maglaro sa aking imahinasyon ng isang perpektong paraiso. Lubos rin akong nawiwili sa tuwing naiimbitahan ako sa isang malayong lugar katulad ng bundok at isla. Sadyang kakaiba ang simoy ng hangin at katahimikan na iyong mararanasan. Nakakawala ng problema at napaka gaan sa pakiramdam. Napakalayo kung iyong ikukumpara sa buhay sa lungsod. Kaya naman narito ang aking orihinal na tula at sana ay magustuhan mo.
Aking orihinal na litrato
Ang Ating Kalikasan
berdeng mga halaman punong kahoy na nagtataasan.
Sariwang simoy ng hangin malalasap saan man,
lagaslas ng tubig sa batis nakakagaan ng pakiramdam.
sa nalulungkot na damdami'y hatid ay ligaya,
mga alitaptap na nagniningning sa gabing madilim,
hatid ay liwanag, galak sa munting naninimdim.
kalikasa'y naabuso sadyang nakakapanlumo.
Masaganang bukid ngayo'y isa nang sementeryo,
polusyon at maitim na hangi'y tanaw sa malayo.
dahilan ng mga pagbaha sa kung saan-saan,
matataas na punong kahoy na biglaang nawala,
kaya't kaunting buhos ng ulan lupa'y rumarasa.
ngunit nakalimot, naging mapang-abuso at pabaya,
sa muli ating kalikasa'y pangalagaan at pagyamanin,
paraisong pamana sa susunod na henerasyon natin.
We offer Upvote service. Single and Monthly subscription, check the details here.
- Get an Upvote rwards by following our curation trail.
Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.
Thank you to @hr1 for supporting our writings too.
Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by wondersofnature from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.