TULA (POETRY #22) HANGGANG SAAN?

in #poetry6 years ago

HANGGANG SAAN?


pinagmulan

Ikaw? Ano sayo ang kahulugan ng pakikisama?
Ito ba ay ipinamimigay? O ito'y ipinapakita?
Ito ba ay ipinapakiusap? O ito'y ipinapadama?
Hanggang saan kaya ang pakikisalamuha?

Ito ba ay may kaakibat na pagrespeto sa kapwa,
Ang pagiging mahinahon at mapagkumbaba,
Kahit tinatapakan mga sariling pagpapasya,
Magbingi bingihan nalang, ni isang salita wala.

May katuturan ba ang lahat ng ito?
Na ang sarili ay pinaparusahan ng ganito?
Mali ba ang pagsumbat? Maituturing ba itong walang modo?
Sa taong Hindi nga kilala ano ang pagrespeto.

Nakasilid itong nag aalab at galit na damdamin,
Ang masasakit na panghuhusga, kailan babawiin?
Manahimik? Dahil sa Diyos tayo'y pagpalain?
Para sa inyo? Ito ba ang mabuting gawin?

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 92640.23
ETH 3113.67
USDT 1.00
SBD 3.17