TULA (POETRY #21): DITO TAYO NAGING TAYO
Ibat ibang uri ng pagdidisiplina ating naranasan,
Mga magagandang kultura ay ating nakagisnan,
Nahubog buong pagkatao doon sa ating tahanan.
Pagtuklas ng mga pangyayaring puno ng kulay,
Paggalang sa mga matatanda binibigyang saysay,
Pagbibigay halaga kahit sa maliit at importanteng bagay.
Hindi mabilang ang nalibot hanggang sa kasulok sulokan,
Gumapang, umakyat ng walang sawa sa hagdanan,
Mga ngiting Hindi mababayaran ni kahit ano pa man.
Ang pagkakawang gawa sa kapwa dito ko natutunan,
Umaga hanggang gabi mga pangaral,hindi mo pagsasawaan,
Tinuruan paano makibagay dito sa mapaglarong lipunan.
Ты из Тулы?