TULA (POETRY #13) KABATAAN KAYO AY PAG-ASA (Pag gunita ngayong Hunyo Dose)

in #poetry6 years ago (edited)

pinagmulan

'KABATAAN KAYO AY PAG-ASA'
Titulo
Likha ni @tinkerrose

Kabataan ang siyang pag-asa nang ating bayan,
Ito ang palaging sambit ni lola at lolo noon,
Tumatak sa aking isipan ang mga katagang yaon,
Paano ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan, ngayon?

pinagmulan

Noon magaganap isang madugong himagsikan,
Kapalit ay kanya kanyang buhay ng mamamayan,
Mga kabataan, isulong ang ating pantaong karapatan,
Minimithing pagkakapantay pantay ng walang alinlangan.

pinagmulan

Malinis na hangarin ang ating pinanghahawakan,
Para lumaban at maging malaya sa sariling bayan,
Kundi ang paninindigan, na tayo ay merong patutunguhan,
Gamitin mo ang edukasyon na siyang armas na panlaban.

Kahirapan? Itoy hindi hadlang kalainman sa kaunlaran,
Kinukutya ng kapwa mo? Hindi sila isang kawalan,
Inaapakan ang iyong dignidad? Manatiling rumespeto,
Maging mapagkumbaba, isang biyaya sa ating puso.


pinagmulan

Magsikap at magtiyaga, patungo sa pinapangarap,
Mga kabataan, labanan itong buhay na kay saklap,
Kaya Ipagdasal landas ng kamalian ay hindi pamarisan,
Itong manlulupig,mapanghusga kailangan ay wakasan.

Ikaw, ako, Tayo, mayroong lakas patungo sa pagbabago
Hindi man lahat ay isang sundalo sa bayang ito,
Ngunit ang iyong paninindigan dito sa mundo,
Maituturing na magiting at isang ihimplong tao.

pinagmulan

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59996.99
ETH 2531.73
USDT 1.00
SBD 2.48