Aking simpleng Ambag para sa Araw ng mga Puso

in #poetry6 years ago (edited)

image


A Poem from a dear friend of mine

DAMDAMIN

May mga bagay na sa akin ay bumabagabag,
Mga bagay na tila sa puso ko'y humahadlang.
Hindi makapagisip, natatakot sa maaring mangyari
Mga desisyon na kung saan ako ay nagkamali.

Pinili ko ang isang desisyon
Na kung saan ang sa tingin ko ito'y naayon
Ngunit tila para bang isip ko'y naglalaro
Dahil kahit sa panaginip ko, hindi ito ang tumatakbo.

Minahal ko siya pero bakit ikaw ang nakikita?
Kahit sa pagpikit, mga ngiti mo ang nagpapakaba.
Kinakabahan ako at natutuliro
Sa mga ngiti mong hanap ng aking puso

Maging paghawak sa iyong kamay
Totoo namang akin talagang inaantay.
Oh anung pakiramdam
Nawa ito ay aking makamtan.

Sana ikaw ang pinili,
Ng puso kong lito at hindi mapakali
Bakit ba ako natakot sa mga mangyayari
Pati sasabihin ng iba ay aking inisip.

Sana talaga ikaw nalang
Ikaw na sana sa una palang
Sana talaga pinaglaban kita
Kahit sa tingin ng iba ito ay hindi uubra

Hindi sana nagpadala sa bugso ng iba
Hindi sana umasang ang pagkakaibigan ay sapat na




Thank you for giving time to this poem, a big thumbs up to my friend

Happy Valentines Everyone

Photo credits to the owner

Sort:  

sandali sandali... nka kapit ka paba? 😂

Itatanong ko sa kanya.. hehhee

Brad.. huwag mong isusuko ang bataan.😂

happy valintines day po....cheers

Thanks po.. happy valentines din po.. hope you like the poem by my friend.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64093.86
ETH 3123.80
USDT 1.00
SBD 3.94