H I L I N G | Original Spoken Poetry - "Malakas ako! Matatag ako! Pinatatag ako ng pananakit nyo! "

in #poetry6 years ago

Isang gabing madilim.. Maulan malamig..
AlaAla kay linaw.. Ngunit di kasing linaw ng daan..
Daang tila walang patutunguhan.. Daang di tuwid.. Liko liko puno ng kalituhan..

Iba ang depenisyon ng saya.. Yung bang ilaw ay bukas sara..
Tainga halos bingi na.. Sa lakas ng tugtog mapapaindak ka..
Walwal dito, walwal riyan ..
Walang pakialam mabalot man ng kalasingan..

Buhay ay masaya, kapag barkada ang kasama..
Problema'y panandaliang nalilimot..
Hanggang umaga sa daang ito lumilibot..
Paki mo ba? Nais ko lang sumaya pagkat Buhay ko'y puno ng lungkot..
Paki mo ba? Kung madamay ako sa mga gusot?
Wag kang mag alala lahat ng gulo kaya kong ilusot..

Malakas ako! Matatag ako!
Pinatatag ako ng pananakit nyo!
Malakas ako! Kaya ko!
Sa tunay na mundo namulat ako ng wala gabay nyo..
Nakakaawa, di nyo man lang nasubaybayan, paglaki ko't mga paglalakbay..
Di man lang sumaya puso nyo saking mga tagumpay..
Ngayon.. Heto ako laman ng inuman
Ngayon.. Araw araw pinamumuka nyong wala akong alam.. Walang alam, bukod sa dungisan inyong ngalan..
Ngayon.. Heto ako di man lang maiahon sarili sa putikan..
Ngayon heto ako balot na balot ng kadiliman..
"Wala kang kwenta"
"puro kalokohan"
"Sa pamilyang 'to basura ka lamang"

Tainga ko nalang nabibingibingihan..
Pagkat isip at puso ko'y ayaw ng pakinggan,
Patay na patay na ko sa mga kutsilyong sa bibig mo naglalabasan...
Tama na pakiusap.. Kung susumahin meron ka ring kasalanan..
Hinayaan mo ako't pinabayaan..
Binusog ako ngunit hindi sa pagmamahal..
Binusog ako ngunit sa materyal lamang na bagay..
Meron ako neto, meron ako nyan..
Sa bawat uso sunod ako, di napagiiwanan..
Pera sa bulsa di ako nawawalan, ngunit nais ko lang isang umaga makasabay kayo sa hapagkainan..

Tama na.. Ayoko na..
Kung pwede lang mamili muli ng ama't ina..
Tama na.. Ayoko na..
Atensyon nyo gusto ko lang makuha..
Tama na .. Ayoko na..
Magkano ba segundo mo babayaran ko, ikaw lang aking makasama ..
Tama na.. Ayoko na..
Uuwi nalang ako ng umaga..
Ayoko ng sa bahay datnan ka.. Malamang hayan nanaman ika'y mag bubunganga..
Tama na .. Ayoko na..
Mali nyo naman sana inyong mapuna..
Oras at pagmamahal lang ma, pa
Sa trabaho kayo nama'y magpahinga..
Pagkat sa lungkot ako'y mamatay na, sa dilim na ito nais ko ng lumaya..
Pakiusap ako'y inyong sagipin.. Kahit sa pagkataong to maging magulang kayo sakin..
Ayoko na ng buhay na marangya.. Kung segundo ng oras nyo di ko rin lang makukuha.
Ayoko na ng mga luho.. Nais ko lamang sa pagkain kayo makahalubilo..
Hiling ko'y simple lang .. Hindi mahal.. Kundi inyo lamang oras at pagmamahal 😪

https://www.facebook.com/holandabernadette/posts/726474904187656

Please follow me on facebook

photos from: https://understands.tumblr.com


https://www.facebook.com/holandabernadette

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64038.60
ETH 3148.89
USDT 1.00
SBD 3.97