Takot.

in #poetry6 years ago

2018-01-25 14.13.51.png

Takot ka ba?
Ako kasi "OO".
Kung saan, sa lahat ng bagay. Sa lahat ng aspeto.

Takot akong masaktan.
Takot akong maiwanan.
Takot ako sa panghuhusga ng tao.

Takot rin akong makasakit.
Takot rin akong mang-iwan.
Takot rin akong manghusga ng tao.

Higit pa, takot akong harapin ang kamatayan ko.

Hindi dahil di ko pa nagagawa lahat ng gusto ko.
Hindi rin dahil sa sobrang saya ko sa mundong to.
Oo, kasama na doon yung ayokong iwanan ang mga mahal ko sa buhay.
Lalo na't maliliit pa mga anak ko.
Paano na sila kapag nawala ako?

2018-01-25 14.15.56.png

Paano na ako?

Takot ako mamatay dahil pakiramdam ko sa impyerno punta ko.

Sa kabila ng mga takot ko, naging masama rin akong tao.
Sa paningin ng ibang tao, at lalo na sa paningin ko.

Marami kong ginawang mali sa mundong to.
Marami na kong nasaktang tao sa paligid ko.
Di lang basta ibang tao, kasama na pamilya ko.

Mga maling desisyon.
Maling gawain.
Naging bisyo.
Alak, sugal at sigarilyo.

Napakarami ng mga kasalanan ko.
Maraming maraming marami.

2018-01-25 14.17.16.png

Nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan yon.
Humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko.
Pilit kong itinatama ang mga mali ko.
Iniwan ko na rin ang mga bisyo ko.

Pero takot pa rin akong harapin ang kamatayan ko.

Hindi kaya impyerno na 'to?
'Tong mismong kinakatayuan ko?

Sapagkat binalot na ko ng takot,
Sa kamatayang hiningi ko?

-Fey

P.S. Minsan gusto ko lang talaga magsulat. Nang kahit na ano. Lalo na mga bagay na nararamdaman ko. Ipagpaumanhin kung medyo magulo. Sadyang magulo lang talaga mundo ko. :/

Sort:  

Nice.. were on the same page! maraming takot sa buhay pero no choice kundi harapi.. db? ", #Following

Oo tama ka dyan. At sigurado ko na bukod sating dalwa, marami pa dito ang takot rin sa buhay na hinaharap nila. :) Salamat sa pagbabasa!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 70805.12
ETH 3799.35
USDT 1.00
SBD 3.43