Filipino Poetry. "Ulan"

in #poetry7 years ago

Sa pagpatak nang ulan,

Nais kong malaman.

Hanggang kailan ba,

Bago ka tuluyang lumisan?



Narito ko ngayon,

Nakatunganga sa bintana,

Hindi ko mawari,

Kung bakit ito'y iyong inihanda?


Bawat patak mo'y sumisimbolo,

Sa galit at poot dyan sa dibdib mo.


Hindi ba maaaring,

Ako'y iyong nang talikuran?

Upang sikat ng araw,

Ay aking nang mapagmasadan?


Huwag mo sanang masamain.

Ngunit di ko na maibsan.

Ang malayelong lamig,

Na dala mo saking tahanan


O Diyos ko,

Sana iyo na akong pagbigyan.

Sapagkat hinihiling ko to,

Para sa aking sambahayan.



-Fey


Photos attached in this article are from @smafey

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54391.40
ETH 2283.95
USDT 1.00
SBD 2.29