Filipino Poetry. "Panahon"

in #poetry6 years ago (edited)

Parang kailan lang nung naguumpisa pa lang tayo.

Punong puno ng saya ang mundong ginagalawan ko.

Di ko inakala kung anong gulo ang pinasok ko.

Pero hinayaan ko parin na mahulog ako sayo.



Bawat galaw ko halos di mo lubayan.

Mi ultimo paggalaw ko ay iyong sinasabayan.

Minsan na 'kong tumakbo upang lumayo sayo.

Pero hindi mo pinayagang bumitaw ang kamay ko.



Sinubok ng panahon, nang pamilya at ng mundo ang pananalig ko.

Hindi inaaasahan ang pagdurusa sa relasyong to.

Halos ikamatay ko ang panghuhusga ng tao.

Pero nanatili ka, at sinamahan mo ako.


Hindi doon natapos ang pagsubok satin ng panahon.

Paulit-ulit kang naligaw sa agos ng alon.

Akala ko noon doon na matatapos iyon.

Hanggang sa maalala ko ang tamang pagtimon.



Pitong taon na nang magsimula sa simula.

Pitong taon na nang tayo'y magsama.

Naalala mo paba ang bawat salita?

Na paulit-ulit mong bigkas ng walang kasawa-sawa?



"Mahal ko manatili ka sapagkat di kita bibitawan.

Maitatama ang mali, upang sila'y mapagbigyan.

Panahon nga lang ang magsasabi ng oras at kung saan.

At tanging Diyos lamang ang makakaalam."



Halu sa Mister kong pasaway!
Happy 7th Anniversary, Pa. Okay lang maloko wag lang masyado, okidoki? Mwah mwah!! Kahit wala na matira dyan, mahal na mahal pa rin kita. :)



-Fey



Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey


Sort:  

Happy 7th anniversary to you and your hubby! Keep the fire burning! And, this is a really nice poem! ☺

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66011.09
ETH 3480.06
USDT 1.00
SBD 3.17