Filipino Poetry. "Katanungan"
Nagmahal ako ng walang kasiguraduhan
Sa taong minahal ko hanggang kaibuturan
Sakit na nadarama'y pinagwalang-bahala lamang
Upang ika'y makasama sa kadulu-duluhan
Kailan mo ba matututunan?
Mahalin ako ng tapat at may kasiguraduhan?
Pag-aalinlangan ay kailangang ibsan
Upang habam-buhay ay makamtan
Narito ako sa iyong tabi
Nais magtanong kung ako'y may silbi?
Tikom ng puso't mga labi
Sa sarili'y walang imi
Kay daming katanungan sa utak ko
Kay daming salitang nagsusumamo
Sakit na di inda ng dibdib ko
Kailan mo kaya mapagtatanto?
Magandang Gabi, Steemians.
-Fey
Ang mga litrato sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey
Napakahusay ang pagkakasulat, sis! Punong puno ng emosyon ang bawat linya <3
Hihihi. Salamat sis!
Ewan ko ba.. punong puno ng emosyon buhay ko ee..