Filipino Poetry. "Gabi"

in #poetry6 years ago


Gabi.

Sa paglalim ng gabi nagtatago ang liwanag,

At muling lilitaw ang sibol sa ulap,

Matatanaw mo lahat na wari'y anino,

Ang mga bakas ng dumi sa kamay ko.


Hindi ko na sasabihin upang ikapanabik mo,

Ang dugong dumadaloy sa katawan ko,

Init ng araw sa ginaw ng gabi,

Liwanag ng buwan na iyong masisilayan.


Huwag ang kalupi at ya'y walang salapi,

Isiksik mo ako sa iyong tabi,

Naririto ang iyong anino,

Ganda ng umaga at multo ng gabi.


Nais ko buksan ang hagdan sa kaibuturan,

Nitong aking damdaming pinaglalaban,

Ngunit paano iba ko sa iyo?

Kita ng lahat ang dumi sa kamay ko.


Ang araw na tila kalaban,

Ang gabi na tanging ninanamnam,

Hindi ba maaring pagsaluhan,

Ang habambuhay at magpakailanman?



P.S Tao po ako,  hindi isang multo. :)


Magandang gabi, Steemians!


-Fey, may sakin pa rin.


Ang mga litratong kasama sa artikulong ito ay pagmamay-ari ni @smafey

Sort:  

nice poem!
Steem On!

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 67653.09
ETH 3789.60
USDT 1.00
SBD 3.50