Mababang Lipad Bilang 2 // Koleksiyon ng mga Tulang Itinapon sa Kalawakan

in #poetry7 years ago

1 (20).JPG

Mulat

Tawag sa telepono, paghinto ng motorsiklo
telegrama sa palad kalakip ay pagbabago
Sa pagpaltik ng pahina ng isang panibagong yugto
kasabay ay pagtayo mula sa pagkakayuko

Sa dalawang daang pinagtagpo ng isang dulo
tinahak ang daang walang bakas, ni anino
Dahan-dahang binaybay na ang mata'y nakapiring
Daan sa katotohanan, ako'y nagising

Sa mga unang hakbang ng kanang paa
kaliwang kamao kusang umalsa
Sa dakong ito'y tanging pag-ibig ang bulag
Inalis ang piring, mga mata'y namulat

Mga bisig ay nakadupa, sa kalangitan ang mukha
Sa hublas na katawan maraming nanghusga
'Sa apat na sulok ng kwarto', ang siyang tugon niya
'di lubos masukat, matutunan pagmamahal sa bansa'

Sa bawat pagpapatuloy at gunita
mananatiling sagisag ang luntian at pula
Humayo, Inang Bansa, ika'y maging malaya
mula sa pagkabihag ng sarili kong ama


.
.
.
'Di rin magbabago ang damdamin,

di rin magbabago ang damdamin'

Saiyanide \m/

Sort:  

This is one of the great pieces I've read! Nice one @saiyanide 🙌

Thank you, @Geevee! I know not a lot would be able to appreciate this one. I'm glad it was able to reach out to you. 😁

Of course, thank you for sharing your talent as well ;)

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 74785.74
ETH 2843.82
USDT 1.00
SBD 2.49