POETRY: Umaasa Pa Rin Ako

in #poetry6 years ago (edited)

C0A7EBD7-7ACD-46D5-A16F-C55B32475F4C.jpeg
Source(direct link to img)

Umaasa pa rin ako
Sa’yong pagdating
Pero kahit anino
Walang dumating

Umaasa pa rin ako
Kahit walang kasigurohan
Magdamag na kakahintay sa’yo
Kung ikaw ba’y dadating

Umaasa pa rin ako
Ng kahit katiting sa oras mo
Maibigay mo lang sa akin
Ano ba ako sa’yo?

Isang laruan?
Tao din ako, napapagod
Napapagod na umaasa
Sa isang taong laging nagpapa-asa

Umaasa pa rin ako
Kahit ilang ulit mo kong saktan
Kasi itong puso ko
Ikaw ang laging sinisigaw.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61451.56
ETH 3442.58
USDT 1.00
SBD 2.51