"Hinahangaan Kita, Makata!"
Hinahangaan kita sa pagsusulat ng mga kwento o tula
Na parang isa ka sa mga mahuhusay na makata
Pagsusulat ng mga kwentong mula sa simula hanggang sa huliha'y
Parang isang makabuluhan
Oo, hinahangaan kita
Sa pagsusulat ng mga kwento o tula
Gamit ang papel at tinta
Ang dami mo ng napahangang madla
Kwentong binigyan mo ng saysay
Nagkaroon na ito ng kulay
Sa bawat paglapat ng mga letra ako'y nakaabang
Di alintana kung anung mararamdaman
Matapos ko lang ang pagbabasa sa tula ng aking hinahangaan
Patuloy na magbabasa
Hanggang sa ako'y matuto at makabuo ng tula
At ito'y aking ilalahad sa mga madla
Magiging inspirasyon kita sa pagsusulat ng aking kabanata
At kung sakaling mapagod ka na,
Ipagpapatuloy ko ang iyong sinimulan
At tatapusin ko ito hanggang sa katapusan..
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca