Buhay na puno ng dangal at pag-asa
Minsa'y nadama ko ang bigat at pighati ng mundo
Ang sakit na dulot nito sa aking dibdib
Ngunit ni minsa'y di ko naisip na sumuko
Mga salitang may puot ay di namutawi sa aking bibig
Kung minsa'y ako ri'y nadarapa
Ngunit pinilit kong bumangon
Ako ay patuloy na lumaban ng mapayapa
Hanggang sa madama ang tunay na pagbabago
Di ko ikinahiya ang mga putik sa aking mga kamay at paa
Mga pagod at puyat ay patuloy kong tiniis
Upang mabuhay ng may dangal at pag asa
Hanggang sa lahat ng pait ay mapalitan ng tamis
Mabagal man ang aking naging pag-unlad
Subalit ni minsa'y hindi ako huminto
Ang aking husa'y aking inalay ng sagad
Hanggang sa kaunlara'y aking tunay na matamo
Nice