Tagalog Poetry #2 : “Kung mahal mo, babalikan mo”

in #poetry6 years ago

06045E95-1F2B-4F4A-8DFF-13C0D39C8940.jpeg

Kay ganda ng mga ala alang nagdaan
Kay tamis ng mga salitang binitawan
Pagmamahalan na akala ko’y walang hangganan
Pangakong akala ko’y hanggang sa magpakailanman

Bakit tayo humantong sa ganito?
Hanggang ngayon, ako’y nalilito’t gulong gulo
Pakiramdam ko tumigil ang aking mundo
Simula nung sinabi mong “Break na tayo”

Naalala ko pa, hahaplusin mo ang aking mukha
Ika’y naluluha sabay sabing “mahal na mahal kita”
Puso ko’y umiiyak sa galak at saya
Ngunit ang dating masaya, ito’y mananatili ng alaala

Bakit nga ba labis kitang mahal?
Sa bawat pagpikit ng aking mata, kasama ka lagi sa dasal
Dasal na sana ikaw na ang makasama sa aking kasal
Sabihin man nila na ang puso ko ay isang hangal

Pagmamay ari na ng iba, yung dati ay akin
Masakit man ngunit ito dapat ay aking tanggapin
Sakit na naidulot ay kay hirap alisin
Tila ayoko ng magmahal sapagkat ito’y mauulit din

Gusto ko mang ituloy ang ating pagmamahalan
Tutuparin ang pangakong sinumpaan
Ngunit paano kita babalikan?
Kung ikaw mismo ang nangiwan

Kung mahal mo ako, babalikan mo ako
Ikaw ay dumating, inaayos ang sinirang tayo
Ngunit pasensya ka na dating mahal ko
Sapagkat ngayon ay mayroon ng singsing sa kamay ko

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat sa pagbabasa! 🙂

39C225FF-2440-4B1C-AB90-B0B4EDD7ECA2.jpeg

Sort:  
Hello.😊

Congratulations @oscargabat, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.

You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.


See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Wow! Thank you @c-squared!😊

Kung mahal mo, bakit mo iniwan?

Posted using Partiko iOS

Paano mo babalikan ang taong syang nangiwan? Hindi lahat ng panahon, sya ang mananatiling mundo mo, dahil kung ang tadhana talaga ay maging kayo hanggang sa dulo, hindi mo maririnig ang salitang “break na tayo”.

Kung mahal mo ako, babalikan mo ako
Ikaw ay dumating, inaayos ang sinirang tayo
Ngunit pasensya ka na dating mahal ko
Sapagkat ngayon ay mayroon ng singsing sa kamay ko

aweeee saklap naman nito Manong. so deep po.

Kaya nga manang @iamqueenlevita, pag mahal mo wag mong iwanan baka sakali kasing wala ka ng balikan.

true manong @oscargabat, baka marealize niya lahat ng effort na ginawa sa isang tao and if that times come, wala na siyang babalikan kasi hindi na siya mahanap ... tsk tsk tsk

Di mo pwedeng balikan ang taong nangiwan. Iniwan ka. Umalis sya. Kaya dapat lang ang bumalik ay yung umalis. Kaso tao ka lang, napapagod din.

Napapagod din yung taong ginawa ang lahat para sa relasyon. Tao din siya na napapagod, napapagod ng umiyak , napapagod ng mag isip kung anong kulang and anong dapat gawin , napapagod kasi ramdam niya na sa bawat araw na lumilipas may patutunguhan, patutunguhan kung saan ikaw at siya ay wala na . napapagod din ang tao kahit mahaba ang pasensiya , mapapagod din siya para sa iyo yung hindi mo pansinin mga ginagawa niya para sa iyo. kaya kung babalik siya mag isip ka, at matauhan ka sana.

#choooooos! ayun

Ayun! Nadali mo na lahat manang! 😀 ang galing mo. Hugot talaga.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61821.96
ETH 2402.01
USDT 1.00
SBD 2.57