''Patawad Aking Ina''

in poetry •  last year 

2501994750_3da9723712_o.jpg
visualhunt

Simula ng isilang ako dito sa mundo
Ikaw ang naging saksi sa aking pagbabago
Na sa bawat pagtakbo ng orasan kada minuto
Napuna mong mararating ko'y malayo

Sabi mo pa nga sakin 'Anak salamat'
Dalawang salita na nagsasabi na ako'y sapat
Kahit na ang buhay nati'y salat
Bilang iyong anak ako'y nararapat

Ganyan ka magmahal aking ina
Pero habang tumatagal ito'y aking binabalewala
Nalulong sa bisyo pati sa barkada
Pero nariyan ka pa rin para umunawa

Nakita kitang sobrang nahihirapan
Pero ako'y tumalikod at ika'y hinayaan
Kahit ako'y iyo ng pinagbawalan
Heto parin ako, patuloy sa aking kalokohan

Ina alam kong marami akong pagkukulang
Siguro'y di talaga ako sayo nabibilang
Gusto kitang harapin ng buong tapang
Para sambitin ang katagang 'Patawad' kahit ito nalang

Ina patawad kung ako'y naging sakit sa ulo
Patawad kung di ako naging mabuting anak sayo
Patawad sa mga maling ginawa ko
Pero salamat dahil tinanggap mo parin ako ng buong buo

I would like to thank @iwrite for being my mentor and giving me support as a Proud member of Steemit Diversify

DQmNh2MG8GYNbb66Hkvnff4eVUtwou6L67T8yitdkpy5RF1.png

received_1767159486690768.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

heartfelt poem

beautiful a mother always loves their children no matter what

·

Mother knows best for her children

Matatag lagi ang magulang para sa anak!

Unconditional love...

  ·  last year (edited)

Congratulations @ortorres1123
@Teardrops SMT imaginary @surpassinggoogle sent this tear of joy.

Here you can see the mention:
A Tear now has value # 9

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!