"Bulag-Bulagan"

Handa akong mag bulag-bulagan para sayo
Handa ko ring ipikit ang mga mata ko
Handa akong maniwala sa mga sinasabi mo
Kahit ito'y hindi na totoo
Pagmamahal mong unti-unti kong kinakapa
Ang dating nakasanayan ay unti-unti naring nawawala
Bakit nga ba lahat ay napinsala?
At napapalitan nang paghihinala
Hindi mo na maikukubli pa
Dahil ito'y ramdam na ramdam ko na
Mula sa malalamig na mga yakap
At ang mga mata mong maiilap
Halik mo'y wala nang tamis
Hindi ko na rin ramdam ang pagkamiss
Ang salitang "mahal kita" ay normal na lang
Katumbas nang kamustahan na lamang
Ang dating sabik na sabik ngayo'y umay na umay
Aking pagtatanong ay ititigil na
Itatago ang sakit na iniinda
Mas lalong kakapit pa kahit alam kong pabitaw ka na


sakit naman falling out of love :(
Love is blind