Ipagdiwang ang Paggawa

in #poetry6 years ago (edited)

adult-agriculture-countryside-247616.jpg
source

Sumapit na,
Ang gintong araw na ika'y pararangalan
Oras na para malaman ng sambayanan ang iyong kagitingan
Ang gawa ng iyong masipag na kamay ay nagbunga
Ng mga kamangha-manghang bagay dito sa lupa.

Dugo't pawis,
Ang iyong naging puhunan sa lahat ng pagsusumikap
Gamot mo sa pagod, ang asawa't anak mong yumayakap
Inako mong lubos ang responsibilidad sa sambahayan
Na mabigyan sila ng saganang buhay mauutas man ang katawang laman.

Dahil sa iyong pagpapagal,
Nagkaroon ng bunga ang mga kapatagan
Nabigyan mo ng kulay ang kalawakan
Nagawa mong mamuhay kahit sa mga ilang
Sinikap mapunan ang anumang pagkukulang.

adult-art-black-and-white-162428.jpg source

Sinunod mo,
Ang utos ng Maykapal sa tao na nilikha Niya,
"Sa pawis ng iyong mukha ikaw ay kakain ng bunga ng pagawa;"
Kaya marapat lamang na iyong ikarangal
Anumang hanapbuhay mo'y ilakip ang pagmamahal.

Huwag mawalan ng pag-asa,
Kung akala mo'y iniwan ka na ng mundo
Kahirapan man sa iyo'y unti-unting gumugupo
Lumaban ka lang lagi ng patas sa bawat araw
Ituon ang paningin sa hinaharap, lawakan mo ang pananaw.

construction-job-labor-38293.jpg
source

Tandaan mo,
Ang Poong Lumikha ay kampi sa inaapi
Kaya huwag pansinin kapag sinabihan ka na walang silbi,
Ibuhos mo lang ang iyong buong lakas
Sa paggawa at paghahanapbuhay ng patas.

Kaya ngayun,
Idiwang mo ang makasaysayang araw na ito,
Ang mga pantas ay humahanga sa katangian mo,
Sapagkat sa puso nila nakasulat ng malalim ang iyong halaga
Na hindi matutumbasan ng anumang yamang angkin ng madla.

"It is only through labor and painful effort, by
grim energy and resolute courage, that we
move on to better things." -Theodore Roosevelt

PS: This poem is dedicated to the labor force of humanity which will be comemmorated this 1st of May. I am sorry that I have to write it in my own Filipino language to express it fully. Thank you so much for your reading!

====================================
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=====================================

Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of motivation and inspiration.

Sort:  

😍😍 galing ng tandem ng words.... makata👏🏻👏🏻

hehehe.maraming salamat poh..

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 29 April 2018

maraming salamat po...

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68622.46
ETH 3788.62
USDT 1.00
SBD 3.66