DAHIL SA PAG-IBIG: LOVE POETRY (TULA #5)
KAHAPON
Sa tingin ko'y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang maliit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo'y lason.
NGAYON
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa't makita,
pati ng libingang malayo't ulila
wari'y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala'y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo'y
nagwagi ang layon.
BUKAS
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa'y
mahirap mataya.
Image source: aminoapps.com
wow. ganda ng tula. ;)
Thank you so much! God bless!
Keep sharing @mayann .. #proudtobe
Yeah! @marzyoung22
Dahi sa pag-ibig ako ay nagmahal. Hahahaha
Pag-ibig na walang hanggan teacher @mercy11.