PAGPAPARAYA

in #poetry7 years ago (edited)


Source

"PAGPAPARAYA"

Akala ko ikaw na
Akala ko tayo na ang itinadhana
Akala ko tayo hanggang sa huli
Pero bakit mo ako biglang isinantabi

Ang mga pangarap nating dalawa
Bigla na lang naglaho ng parang bula
Dati ay ikaw ang bumubuo ng aking mundo
Ngunit ngayon, sobra mo ng dinudurog ang aking puso

Sinabihan mong sayo ako’y mahalaga
Ngunit hindi mo naman pinadama
Pinangako mong hindi ako iiwan
Pero bigla mo na lang akong binitawan

Akala ko lalaban tayo hanggang dulo
Di ko inaasahan na ika’y susuko
Hindi ko alam kung bakit
Nagawa mong ibigay sa akin ay sakit
Ginawa ko naman ang lahat
Kahit sobra na ang bigat
Akala ko ang dulot nito'y ating ikasasaya
Di ko inakalang sasaya ka pala sakanya

Ang dati na tayo’y masaya
Ni kailanman hindi inisip na oras ko’y naaksaya
Hinihintay kita araw araw
Pero walang nanggaling sayo ni isang tanaw
Masakit isipin na nakalimutan mo na ako
Pero mas masakit na harap harapan mo akong niloloko

Tuwing naalala ko ang higpit ng yakap mo
Hindi ko maiwasan na tumulo ang luha ko
Bakit nangyari sa atin ito
Nagkulang ba ako?
O sadyang mahina ka lang
Sa mapanuksong nilalang

Gustuhin ko man ibalik ang kahapon
Ngunit mainam na lang na ito’y itapon
Dahil alam ko hindi ka maghahanap ng iba
Kung ako sayo ay sapat na

Oo alam ko masakit
Ngunit kailangan ko ng kumawala sa higpit
Higpit na ako lang ang humahawak
Dahil noon pa man puso ko’y iyo ng sinaksak
Hayaan mo at ika’y aking papalayain
Dahil hindi na sa akin ang iyong tingin

Mahirap man tanggapin
Pero kailangan kong tiisin
Na ika’y hindi na akin
Na wala ng sa atin

Sayo ako’y lalayo
Kung yan ang magpapaligaya sayo
Lilimutin na ang nakaraan
Hahanapin ang tamang daan
At kung sakaling magkita tayong muli
Sana kaya ko na sayo’y ngumiti

Sort:  

GReat! Keep it coming!

Hapdi nmn zen

true po, may purpose naman ang lahat :)

forgive and forget sis. time will heal you. Xx

thank you so much sis :)

Awwwwww 😔😔😔 I felt bad..... hope you're fine..

Awwwwwwww. 😭😭😭😭😭

pakawalan mo na makahanap ka pa ng iba
nang sayo ay magmamahal ng tapat at totoo :)
@marizen nice poem :)

thank you so much ate :)

nice poetry...more blogs to come po...;)

relate much ako eh....I feel you...:)

Congratulations! Your post has been selected for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 25 February 2018

😱 thank you so much @SteemPH UAE 😁

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 58039.01
ETH 2460.08
USDT 1.00
SBD 2.32