PAGHANGA (TULA)

in #poetry6 years ago (edited)


SOURCE

"CRUSH"

by: @marizen

Paghanga aking naramdaman
Noong ika’y aking unang nasilayan
Puso ko’y kinikiliti
Pag ika’y nakita kong nakangiti

Palihim kung ako’y nakatingin
Sa mukha mong parang bituin
Lagi kitang pinagmamasdan
Oo, ako sayo’y tinamaan

Dibdib ko’y kinakabahan
Sa tuwing ika’y napapadaan
Gusto kitang tawagan
Ngunit ako’y nagaalinlangan

Tibok ng puso ko’y bumibilis
Parang lahat aking nakikita’y puso ang hugis
Pagkamangha ko sayo’y labis
Kaya ang ngiti ko’y tumatamis

Naramdaman kong para akong nasa ulap
Ng ika’y personal kong nakausap
Ako’y nahihiya at nababahala
Na baka makita mo ang mukhang kong namumula

Nararamdaman ko sayo’y itatago’t ililihim
Dahil baka lumayo ang iyong damdamin
Kapag nalaman mong ako sayo'y may paghanga
Huwag naman sanang pigilan aking nadarama.

Sort:  

Love it Zen!

Thanks hihi miss you ate @erelasblog

@marizen nice poem kamukha mo pa yong image :)

haha thanks ate @angelbless muah

ay napakagandang tula. kinilig ako. hehe

Congratulations! Your post has been selected for the SteemPH UAE : Daily Featured Posts | 18 March 2018

Thank you so much @steemph.uae

awhh soo cutteee... you reminded me of my crush... lols.. that kilig to the bone!! hahaha ^_^

hahaha thanks sis @pingcess, yung kilig na kilig ka kay crush :D

tumblr_m4itgqedcz1rpyhb4o1_r1_500_by_rolf_fan_girl-d80e5sd.gif

hahahaha... ang cutteeeeee <3

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66438.74
ETH 3268.32
USDT 1.00
SBD 4.39