BUHAY OFW (TULA)

in #poetry7 years ago (edited)


source1,2

"Buhay OFW"
by: @marizen

Ako’y isang Overseas Filipino Worker
Dito sa ibang bansa ako ay foreigner
Umalis sa minamahal kong bansa
At hawak ang pag-asa
Na makahanap ng trabaho
Upang pamumuhay namin ay magbago

Napalayo ako sa aking pamilya
Ngunit aking kinakaya
Para sa kanila at sa aking sarili
Hindi ako bibitaw sa pangarap kong minimithi

Sa abroad trabaho’y hindi madali
Kailangan kong makisama sa ibat ibang lahi
Sa abroad pamumuhay hindi magaan
Lahat ng hirap aking pinagdadaanan
Wala akong masasandalan
Sa oras ng aking kalungkutan

Minsan kailangan kong nalang iiyak
Sa mga panahong ako’y nawawasak
Mga mahal ko sa buhay aking gustong makita
Walang magawa kundi tanawin na lang ang aming alaala

Paggaling ko sa trabaho
Pagod at walang kibo
Walang madadatnan na pamilya ni sino
Walang madadatnan na pagkaing luto

Lahat ng pangungulila aking nadarama
Ngunit kailangan kong magpakatatag at magtiyaga
Lahat ng pagod aking titiisin
Dahil pamilya ko ayokong magdildil ng asin

Isang buwan sa isang taon
Kung sa Pilipinas ako’y umuwi at pumaroon
Sobrang ikli ng panahon
Ngunit kailangang sulitin at bigyan ng tuon

Dahil labing isang taon nanaman
Ang sakrispisyong ilalaan
Para sa aking pamilya
Hangad ko'y kanilang saya

Sa lahat ng katulad kong OFW
Ako po sa inyo’y saludo

Sort:  

thank you so much @steemph.uae for featuring my post :)

nakakaiyak. saludo po ako sa mga katulad nyong OFW na kinakaya ang lahat ng pangungulila maitaguyod lamang ang pamilya..

Mabuhay ang mga OFW. mga bagong bayani.

makahulugang storya

Salute to all ofw. Proud of every filipino ofw who are working hard for their family.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57226.98
ETH 2416.68
USDT 1.00
SBD 2.29