Ulog # 1 -- Lupang Hinarang (A distorted Philippine National Anthem)

in #poetry6 years ago (edited)

Ang tulang ito'y hango sa pambansang awit ng Pilipinas. Nasulat ko rin ito dahil na rin sa pagnanais ni Senador Sotto na ibahin ang pinakahuling linya ng nasabing Awit(iligal ang ginagawa kong ito ngunit bago ako dakpin ng Pilipinas mas mabuting basahin muna nila ito). Nasa blog ding ito ang orihinal na liriko ng pambansang awit, paki-click nalang ang "Orihinal na Liriko" kung hidi mo pa namememorya ang ating pambansang awit (tang-ina mo kung hindi mo pa namememorize ang Lupang Hinirang).

Orihinal na Liriko

<•••>

Philippine-Flag-730x382.jpg

<•••>

Bayan na aking giliw,
Ewan ko ba kung perlas ka pa ng silangan,
Ang panglaw na ng puso,
Sa dibdib mo'y namamatay,

Lupang hinirang dinuyan mo ang magigiting,
Ang tiningkang lupigin,
Ngayon sila'y maniniil

May lumbay ang tula at awit sa paglayang minamahal,
Ang kislap ng watawat mo na noo'y tagumpay, unti-unting pumipikit,
Ang bituin at araw ay dumidilim,

Noo'y lupa ka ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Ngayoy buhay ay impeyerno sa piling mo,
Ngunit,
Amin pa ring ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

<•••>

5-Andres-Bonifacio-Facts-Debunked.jpg



Maraming salamat sa pagbasa ng aking tula!

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68886.39
ETH 2464.41
USDT 1.00
SBD 2.42