Nasaktan:Manunula (Kung Bakit Tumutula Minsan ang Nasasaktan)

in #poetry7 years ago

Nagiging makata ang karamihan kapag nasasaktan,
Nasusuka ang dunong ko tuwing
makakabasa ng tula na sinaniban ng lungkot
dahil sa relasyong hindi nakamit ang walang-hanggan,
Natatawa ako sa mga popcorn poems
dahil daw sa sakit ng pag-ibig,
Iilang kritisismo't teyorya na ang nakilala,
Taas kilay kong kinakatay ang mga linya nila,
Dunong-dunongang ginigiba ang piyesa nila,
Ika nga iilan Constructive Criticism,

Ngunit,hipokrito akong tao, at alam ko 'yun,
Hindi sapat ang mga natutunan
para matabunan ang sakit
ng panalangi't daing ng puso nasaktan,
Dahil ramdam ko rin ang panalangin nila, ang daing nila, ang pagsusumamo, ang bawat hiyaw na gusto nilang ipalabas, ang bawat salitang gustong masabi, ang mga alaala na gustong balikan, ang mga ngiting gusto muling masilayan at ang puso na nais muling mahawakan,
Ramdam ko sila kahit gusto mang iwaksi ng dunong,
Ramdam ko sila dahil ako rin mismo sa aking sarili,
Nagmahal, Nang-iwan, Nasaktan, Iniwan at Tumula.


image source

Sort:  

Hello po. Sadya bang style ang alignment ng content mo o may mali sa coding?

style lang po actually may meaning talaga ang mga alignment sa creative writing di na natin yun pag-uusapan siguro sir mas eenjoy nalang natin ang tula. salamat po!!

May katotohanang tula. :)

salamat maam!!

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 62568.36
ETH 3010.80
USDT 1.00
SBD 3.89