TANGA SA PAG-IBIG - A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

images (15).jpeg

Kay sarap na laging damhin,
Ang saya ng pakiramdam na mahalin.
Ito ay ating inaasam sa tuwina,
Sa buhay na puno ng pangamba.

Kahali-halina na pagmasdan,
Mga tao na nagmamahalan.
Sana lng ito'y makatotohanan,
At maipaglaban ka sa gitna ng kaguluhan.

Isang napakasayang pangyayari,
Ang umiibig at ibigin muli.
Ngunit kay hirap na ibigay ang tiwala,
Dahil kapag umiibig, tayo'y naging tanga.

Sadyang malungkot isipin,
Isang tanga sa pag-ibig na kay daling lokohin.
Sa una ay kagandahang - loob ang ipakita,
Pero sa kalaunan ay isang tigre pala.

Sabi nila normal lang ang masaktan,
Sa isang taong umiibig ng lubusan.
Sana rin lang na pakaiwasan,
Na ang iniibig mo ay masakal at masaktan.

Hay naku, O Pag-ibig!
Nakawiwindang pero sadyang nakakakilig.
Sana lang kaligayahan palaging maramdaman.
Di lungkot at puro katangahan.

Nawa'y nasiyahan kayo sa orihinal na tula na aking isinulat.

Sort:  

Murag inlove na jud ni cxa ba...
Nice one @louella

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65858.36
ETH 3493.88
USDT 1.00
SBD 2.53