Tula , Isang Katha :: ANG DATING AKO | Tulang nagpapahiwatig ng sariling damdamin

in #poetry7 years ago

images (1).jpeg

Ang Dating Ako

Simple lang, parang walang pinagdadaanan
Ganyan ko kung sarili'y ilalarawan
Pero sino nga ba talaga ako?
Tanong sa sarili na litong-lito

Walang masyadong kaibigan
Sa sulok lamang ang parating tambayan
Hawak-hawak ang libro sa aking mga kamay
At pilit na kumakawala sa mundong sumasanay

Kaya naman ako'y nasanay na
Kung paano umiikot ang aking mundo ng mag-isa
Walang pinangangambahan kung sino ang pumiling lumayo
Dahil wala naman talaga sa akin ay tumutotoo

Pero bakit ba buhay ay biglang nagbago?
Bakit ba pinili ang landas na ngayo'y nalilito
Dumating nga kayo pero bakit kayo ganito?
Nasanay na nga na kayo'y nandito pero kayo nama'y lumalayo

Ang daya niyo naman, kung ako lang namay sasaktan
Sana 'di nalang kayo dumating at loob ay pinagaan
Di sana ako ngayo'y nahihibang,
Kaiisip kung paano ko ito malalampasan.

Pero salamat na rin dahil ako'y natuto
Na di agad magtiwala at ako na lamang ay magpakatotoo
Sawa na sa inyong "patawarin mo ako"
Dahil wala namang ginagawa para rito

Sana'y masaya na kayo
Masaya sa inyong pangloloko
Ayaw ko na, namimiss ko na ang dating ako
Dating ako na masaya at nagpakatotoo.


image source

This is "hugoterang minion" now getting back :D

DQmeguNPmryET5m38BEg4eCkGXHmFFq9ARk2fH9LayzVHGt.gif

UPVOTE, RESTEEM AND FOLLOW

@leryam12

Sort:  

char.... @leryam12...

Ang daya nyo naman, kung ako lang nama'y sasaktan.

Hahahahahaah. Humuhugot lang Sir @morken . Pampalipas oras. Hehehehe

Hahahahaha... Lahi ra jhud makahugot ui....

Sana'y masaya na kayo
Masaya sa inyong pangloloko

OUCHHH! :(

pahinga ka na kasi bai.. HAHAHA No forever yes to vlogggg. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68926.89
ETH 2474.86
USDT 1.00
SBD 2.38