Handang Magpaka T.A.N.G.A. - A Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"T.A.N.G.A."

Minionsad.gif

Alam kong ang tanga tanga ko na
Kahit na walang pag-asa
Patuloy pa ring umaasa
Na baka bukas o sa makalawa tayo na


Iniibig kita
Iniibig mo siya
At ang iniibig niya ay iba
Para tayong daga na nakabuntot sa itsa't-isa


Mapasaya ka lang ang hinahangad ko
Kahit busy sa thesis, oras ko'y ibibigay sayo
Sa isang text mo lang
Ako'y andyan na sa tabi mo


Ewan ko ba, pag nakikita ka ako'y sumasaya
Tumitibok ang dibdib ng sobrang bilis
Halos di maigalaw ang katawan sa sobrang kaba
Pagkausap ka ako'y natatamimi talaga


Bawat kisap ng iyong mga mata ako'y parang nakalutang sa ulap
Ang iyong mga ngiti na nakakabighani
Sa bawat bigkas ng mga labi mo parang tumitigil ang ikot ng mundo
At ang bukod tanging iniisip ko lang ay ang sana piliin mo ako


Akala ko talaga may tayo na
Dahil sa mga pinapakita mo at pinapadama
Pero akala ko lang pala
Dahil mas pinipili mo pa rin ay ang ibigin siya


Composed by: @kimp0gi

photo credits


Thanks for reading!

26057591_1873049926069880_8871400356005806080_n.gif

Sort:  

Mahirap talagang umibig sa pag-ibig na umiibig sa ibang pag-ibig, hohoho ! Tumitibo-tibo ang puso sa kanya't umasa pa sa maling akala.

Mas mahirap pa umasa kaysa iniwan ka..

Kapag iniwan ka alam mong tapos na, titigil ka na kasi alam mong wala na..
Samantalang pag umasa, wala kang ideya kung ayos ba.. hindi mo alam kung saan at kelan ka dapat tumigil, dadating nalang yung oras na wala na pala pero ikaw umaasa pa..

</3

kaya piliin natin yung taong di tayo iiwan at di tayo pinapaasa.

Upvoted.
Hinde lahat ng mamahalin ng tao..binabalek. Just be content daw there is such a person that makes u happy period kahet na gamyan.

sa sobrang friendly lang talaga ng tao kaya nabibigyan ng kahulugan pero tama ka nga i'll just be contented the status we have, be happy and expect nothing.

Isa ako sa mga tanga na naging tanga ulit dahil sa pag ibig na tanga na ibinigay ko sa babaeng walang alam dahil tanga siya. Hahah

hahaha tara shot na!

Yay poetry! I wish I could read this. lol
Please post a version in English in the Poetry Pond!

i’ll try my grammar in english @geke hahaha

Hello there! I posted an English poetry :) hope you'll read it too :)

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63665.23
ETH 2621.19
USDT 1.00
SBD 2.77